2 shabu dealers utas sa buy-bust
MANILA, Philippines — Dalawang shabu dealers ang nasawi nang umano’y manlaban sa isang buy-bust operation sa Barangay Libayuran sa Panglima Sugala, Tawi-Tawi nitong Lunes.
Sa ulat ni Gil Cesario Castro, director ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, nauwi sa pagkamatay ng mga suspek na sina Akmad Munib Usman; at Gorrie Sajili Usman nang ito umano ay manlaban sa mga otoridad.
Nabatid na tangkang aarestuhin ng PDEA-BARMM agents ang dalawa matapos magbenta sa kanila ng P340,000 na halaga ng shabu sa Barangay Libayuran sa Tawi-Tawi, ngunit bigla silang naglabas ng mga baril kaya nagkapalitan ng putok na nagresulta sa kanilang kamatayan.
- Latest