^

Punto Mo

Fan ng X-Men, nakatanggap ng Guinness Record dahil sa malaking memorabilia collection nito!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG fan ng comic book na X-Men ang nakapagtala ng world record dahil sa libu-libo nitong koleksiyon ng komiks, laruan at memorabilia nito!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na tinalo ni Eric Jaskolka ang sarili niyang world record sa titulong “Largest Collection of X-Men Memorabilia”. Ito ay matapos lalo pang dumami ang koleksiyon nito na umabot na sa 25,000 items.

Noong 2012 unang natanggap ni Jaskolka ang naturang titulo sa record na 10,000 memorabilia items. Ngayong 2024, higit sa dumoble pa ito ngunit mas murang mga memorabilia na ang kanyang binibili kumpara noong ­unang mga taon siyang naging seryoso sa pangungulekta.

Nagsimula ang pagkahilig ni Jaskolka sa X-Men nang natuklasan niya ang tungkol dito sa tulong ng kanyang Sunday school teacher na may-ari ng comic book shop. Ayon kay Jaskolka, kung susumahin ang halaga ng lahat ng kanyang collection, maaaring umabot ang value nito sa halaga ng isang magandang house and lot.

vuukle comment

MOVIES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with