^

PSN Palaro

Heavy Bombers umeskapo sa Chiefs

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umahon ang Jose Ri­zal University mula sa isang 14-point deficit para pa­sabugin ang Arellano Uni­versity, 64-62, sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament kahapon sa Playtime FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Tumikada si Laurence Mangubat ng 14 points bukod sa siyam na rebounds, tatlong steals at dalawang assists para tulungan ang Heavy Bombers na ilista ang 4-1 karta at masolo ang liderato.

“Grabe adjustments na ginawa ko kasi sobrang higpit ng depensa na bi­nibigay sa akin,” sabi ni Ma­ngubat. “Naniwala lang kami sa system ni coach Nani (Epondulan). Thankful din ako kasi  hindi kami mananalo kung wala ang mga teammates ko.”

Kumalas ang Chiefs sa pagkakapit ng Heavy Bombers sa second quarter upang hawakan ang 11-point lead, 42-31, sa halftime.

Nagpakita ng tatag ang JRU sa third period pero lamang pa rin ang Arellano ng apat na puntos, 49-53, papasok ng fourth quarter.

Nasa unahan pa rin Chiefs sa 57-71 may anim na minuto pa sa payoff period.

Naibaba ng Heavy Bom­bers sa apat na puntos ang hinahabol, 58-62, at lalo pang dumikit nang pumukol ng tres si Mangubat, 61-62, may 19 segundo na lang ang natitira sa orasan.

Ipinakita ng JRU ang ka­nilang determinasyon ma­tapos magsalpak ng tat­long free-throw para ma­agaw ang 64-62 bentahe sa huling 4.8 segundo.

Bumato ng tres si Basty Valencia, pero nagmintis ito at naubos na ang oras para sa Arellano.

Sa ikalawang laro, ti­na­kasan ng Mapua Cardinals ang Emilio Aguinaldo College Generals sa overtime, 89-84.

JOSE RIZAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with