SWS, walang kaugnayan sa ‘Sigaw ng Bayan’
MANILA, Philippines — Mariing itinanggi ng pamunuan ng Social Weather Station (SWS) na affiliated sa kanila ang “Sigaw ng Bayan” at ang nagpapakilala may-ari nito na si Danny Mangahas.
Mariing itinanggi ni SWS Director Leo S. Laroza ang sinasabing ugnayan ng nagpakilala owner ng “Sigaw ng Bayan” (MPC) na si Danny Mangahas at pinabulaanan ang pahayag ni Danny na “tito” niya ang pioner at founder ng SWS si Dr. Mahar Mangahas.
Idinagdag pa nito na kailanman ay hindi naging opisyal, empleyado, consultant, fellow o otorisadong kinatawan ng SWS si Danny.
Wala rin itong pahintulot na mag-alok ng survey sa pangalan ng SWS at nilinaw na hindi “anak”, affiliate, subsidiary o partner ang “Sigaw ng Bayan.”
Sinasabing nag-aalok umano si Danny ng mataas na survey at nagbibigay ng award sa mga congressmen, mayors at mga opisyal ng pamahalaan kapalit ang umano’y mataas na “kabayaran”.
Napag-alaman na si Danny Mangahas ay una na ring “sumabit” ang pangalan sa kontrobersiyal na KAPA investment scheme, kaya pinag-iingat ang publiko hinggil sa panibagong “raket” nito. Wala pang sagot dito si Danny Mangahas hinggil sa pagtanggi sa kanya ng SWS.
- Latest














