^
+ Follow Cignal-San Beda Tag
Cignal-San Beda
Array
(
    [results] => Array
        (
            [0] => Array
                (
                    [ArticleID] => 1679017
                    [Title] => No. 1 ang Cignal-San Beda
                    [Summary] => No. 1 ang Cignal-San Beda

MANILA, Philippines - Tinalo ng Cignal-San Beda ang Racal Cera-mica upang angkinin ang unang puwesto sa pagtatapos ng elimination round ng 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup sa iskor na 96-86 sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City kahapon.
Kumolekta ng 25 puntos kabilang ang anim na rebounds at apat na assists si dating La Salle Green Archer Jason Perkins habang nagdagdag naman ng 18 puntos si Javee Mocon galing sa bench para pamunuan ang Cignal na panatili-hing buhay ang kanilang winning streak sa walong laro.
Nag-agawan ng lamang ang magkabilang koponan sa unang tatlong quarters, hanggang sa nakalayo ang Hawkeyes sa fourth quarter, 87-76, matapos magtayo ng double-digit na bentahe sa first quarter.
Isang tres mula sa kanang kanto ni Robert Bolick ang tuluyang nagselyo ng panalo para sa Hawkeyes na nakalayo sa 94-82.
Makakalaban ng Hawkeyes sa best-of-three series sa semifinals ang magwawagi sa quarterfinal match-up ng CafeFrance at JRU.
Binuhat naman ng 20 puntos ni Jackson Corpuz ang Racal na sinegundahan ng 18 puntos ni Kent Salado sa kanilang pagbaba sa pangalawang puwesto sa kartadang 7-2.
“We really wanted to bring the positive attitude going to the semis. We really wanted to win this game because we wanted to test the character of my players,” sabi ni Cignal coach Boyet Fernandez. “We’re up early, we lost the lead but then again they stepped up their game in the third and we recovered and won this ballgame.”
Sa isa pang laro, tinapos ng Team Batangas ang kanilang kampanya sa eliminations sa pamamagitan ng pagsilat sa third place na CafeFrance sa iskor na 91-69.
Sa pangunguna nina Joseph Sedurifa na nagtala ng 16 na puntos, 11 rebounds, anim na assists at ni San Beda Red Lion Dan Sara na tumapos rin ng may 16 na puntos, natapos ang koponan ng mga Batangueño sa pang-pitong puwesto sa kartadang 4-5.
Nakapagposte ng 49-29 na bentahe ang Batangas para tapusin ang first half sa tulong ng magandang 43% field goal shooting kontra sa 29% lamang ng Bakers, na napalaki pa sa 66-44 sa third quarter.
Nakalapit pa sa 13 ang Bakers subalit agad na nasalag ng Batangas ang kanilang tangkang pagbalik hanggang sa dulo ng laro.
Gumawa naman ng 15 puntos si Oliver Arim para sa CafeFrance, habang nalimitahan lamang sa apat na puntos si Paul Desiderio at wala namang naiskor ang kanilang Congolese import na si Rodrigue Ebon-do na naglaro lamang ng tatlong minuto, kaya’t nahirapan silang habulin ang lamang ng Batangas.
Tutungo sa quarterfinals ang 6-3 na CafeFrance, hawak ang twice-to-beat na bentahe.
Dahil sa 21-puntos na panalo ng Batangas, nasa JRU ngayon ang pressure na manalo sa kanilang laro kontra sa Tanduay mamayang hapon upang makaiwas sa pagkakalag-lag sa seventh place dahil sa quotient system.
Kasalukuyang may +5 na abante ang JRU sa Batangas na kanilang tinalo sa kanilang pa-ngalawang laro. (FML)

                    [DatePublished] => 2017-03-14 00:00:00
                    [ColumnID] => 0
                    [Focus] => 1
                    [AuthorID] => 
                    [AuthorName] => 
                    [SectionName] => PM Sports
                    [SectionUrl] => pm-sports
                    [URL] => 
                )

            [1] => Array
                (
                    [ArticleID] => 1675747
                    [Title] => Cignal-San Beda abot-kamay na ang outright semis
                    [Summary] => Tinalo ng Cignal-San Beda ang Victoria Sports-MLQU, 83-68 upang lumapit sa outright semifinals slot sa 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City kahapon.
                    [DatePublished] => 2017-03-01 00:00:00
                    [ColumnID] => 0
                    [Focus] => 1
                    [AuthorID] => 
                    [AuthorName] => 
                    [SectionName] => PM Sports
                    [SectionUrl] => pm-sports
                    [URL] => 
                )

        )

)
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with