Kabayan at Karen, kinilala sa Leyte

Noli ‘di pa nakaka-recover
Patuloy na kinikilala ang mga mamamahayag ng ABS-CBN News matapos parangalan ang ilan sa mga ito sa Pagdasig Awards 2026 ng Leyte Normal University.
Kinilala ang mga tagapagbalita ng DZMM Radyo Patrol 630 at DZMM Teleradyo—wagi si Kabayan Noli de Castro bilang Best Radio News Anchor - Male habang tinanggap naman ni Niña Corpuz ang Best Radio News Anchor - Female na pagkilala para sa kanyang programa Nagseserbisyo, Niña Corpuz.
Pinarangalan din ang mga batikang mamamahayag na sina Karen Davila at Jeff Canoy bilang Best TV News Anchor - Female at Best TV Reporter - Male.
Samantala, kinilala rin ang husay ng ABS-CBN News sa digital platform matapos magwagi nina David Dizon at Andrea Taguines bilang Best Online News Writer.
Ang Pagdasig Awards 2026, na inorganisa ng Leyte Normal University (LNU) at Asian Development Foundation College (ADFC), ay kumikilala sa mga huwaran sa industriya ng midya.
Speaking of Kabayan Noli, hanggang ngayon ay hindi pa ito napapanood sa TV Patrol.
Pabalik-balik diumano ito sa hospital ayon sa isang malapit sa dating pulitiko.
May sciatica raw ito – na ang nararamdaman ay pananakit na parang tinutusok, pangingilig, pamamanhid, o panghihina mula sa ibabang likod pababa sa binti, kadalasan sa isang gilid, kung bakit ito inoperahan.
Ayon sa my.clevelandclinic.org, ang sciatica, “Sciatica is nerve pain from an injury or irritation to your sciatic nerve. In addition to pain, it can involve tingling or numbness in your back or butt that may also radiate down your leg. More severe symptoms are also possible.”
- Latest





















