Subway, may pa-trip to Korea!

Mas pinasarap pa ng Subway Philippines ang inyong cravings sa pagdating ng kanilang pinakabagong offering ngayong taon, ang Chicken Bulgogi. Hatid nito ang perfect balance ng sweet, savory at Korean-inspired flavors na sa bawat kagat para kang dinadala sa Seoul, South Korea.
Yes, mula sa tender na chicken na binalot sa rich at flavorful na Grilled Bulgogi sauce, hanggang sa signature freshly-baked bread at fresh veggies ng Subway®.
Pero may mas exciting pa rito. Dahil baka ang susunod mong Chicken Bulgogi meal ay maging ticket mo papuntang South Korea.
Bongga.
Sa bawat order ng Chicken Bulgogi Regular Meal via dine-in o take-out transactions, makakasali ka sa raffle promo ng Subway® Philippines para manalo ng Trip to South Korea mula sa SMB Travels and Tours.
Kaya hindi lang cravings mo ang maso-solve, baka travel goals mo rin.
Ano ang puwedeng mapanalunan? Isang lucky winner ang mag-uuwi ng Ultimate Grand Prize na Trip to South Korea for two (2), complete with flights, tour, accommodation mula sa SMB Travels and Tours, at may kasama pang KRW 250,000 spending allowance.
Dalawang lucky winners ang puwedeng manalo rin ng MacBook Neo at lima namang lucky winners ang may pagkakataon na makakuha ng Subway® Regular Meals for two (2).
Para sumali, bumisita lang sa pinakamalapit na Subway Philippines branch, i-scan ang QR code na nakalagay sa harapan ng cashier, o bisitahin ang https://www.subwayph.promo.com at i-submit ang iyong raffle entry.
Kaya kung gusto mong malasap ang Korean-inspired goodness habang may chance na makalipad papuntang South Korea, ito na ang perfect time para subukan ang NEW Chicken Bulgogi Sub ng Subway Philippines!
- Latest





















