^

PSN Showbiz

Vina, hindi napapagod!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Vina, hindi napapagod!
Vina Morales
STAR / File

Masayang-masaya si Vina Morales dahil umabot nang halos isang taon ang seryeng Cruz Vs. Cruz na pinagbibidahan nila ni Gladys Reyes. Lubos ang pasasalamat ng aktres dahil naging matagumpay ang proyekto sa kanyang pagbabalik sa GMA Network.

“Ito ‘yung pagbabalik ko sa GMA. Para sa akin I felt so welcome. And I’m really grateful na ganitong role ang naibigay sa akin, napakaganda. Sinuwerte din kami dahil talagang sinubaybayan ng mga Kapuso. We are so grateful for this opportunity na naibigay ng GMA,” nakangiting pahayag sa amin ni Vina sa Fast Talk with Boy Abunda.

Madalas na umiiyak ang aktres sa mga eksena ng naturang serye. Ayon kay Vina ay hindi naman siya nakararamdam ng pagod dahil sa mga emosyon niya sa trabaho.

“Hindi naman nakakapagod. Actually, this is one way of expressing your emotions. Hindi na kaila­ngan ng psychiatrist ha-ha-ha! ‘Di ba ‘yung luha mo may bayad, so okay lang. Sa akin kasi it’s a big help for me, ang acting. Kasi it’s like singing, you express your emotions. Nagagawa namin ang mga eksena namin sa Cruz Vs. Cruz.

“Kasi minsan kapag hindi mo naiiyak ‘yung mga problema mo, or may pinagdadaanan ka, I think one way to express is through acting or through singing. ‘Di ba minsan kapag nalulungkot ka, gusto mong mag-videoke. Kasi gusto mong kumanta, gusto mong i-express ‘yung feelings mo. Sa akin nakakatulong,” masayang paglalahad niya.

Magkahalong emosyon na ang nararam­daman ngayon ng buong grupo ng serye. Nakatakda na kasing magwakas ang kwento ng Cruz Vs. Cruz ngayong Sabado.

“Nalulungkot na nga kami eh. ‘Yung scriptwriters natin, palakpakan natin dahil ang gagaling talaga nila. Nagugulat kami sa cha­racters namin na, ‘Ay! Patapos na ‘to, wala na ‘to, kinasal na eh. Wala nang gulo ‘to, ito na ang ending.’ Maya-maya may bago na namang mainit-init pa na script, binibigay sa amin. ‘Ay! Hindi pa pala tapos ‘yon.’ Nanggugulo na naman,” kwento ng dating child star.

Samantala, wala pa ring bagong kasintahan ngayon si Vina. Matatandaang nagkahiwalay ang aktres at ang Amerikanong si Andrew Kovalcin noong 2024. Umaasa pa rin si Vina na makikilala ang lalaki na kanyang mamahalin at makakasama sa habambuhay.

“Well, it’s always been my priority talaga, wala pa lang dumarating. But you know, in God’s time, I always believe kung meron talaga, darating iyan eh. Kaya lang, hanggang ngayon talaga wala pa rin. I mean, meron namang nagpaparamdam. Ayaw ko kasi i-waste ‘yung time ko, na parang kapag naramdaman ko, ‘Ah, may kulang.’ Parang huwag ko nang ipilit. So it has to end. So para sa akin, if you feel something na, ‘Ah, ito na ‘yung para sa akin, mas magaan, ‘yon daw ‘yon. Pero wala pa akong nararamdaman na gano’n,” pagtatapat ng aktres. (Reports from JCC)

VINA MORALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with