^

PSN Showbiz

Jackie Lou, may sikreto para laging relevant!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jackie Lou, may sikreto para laging relevant!
Jackie Lou
STAR/ File

Hindi naging madali para kay Jackie Lou Blanco ang mga pinagdaanan noong nakaraang taon. Matatandaang pumanaw ang ina ng aktres na si Pilita Corrales noong Abril. Namatay rin ang dating asawa ni Jackie Lou na si Ricky Davao noong Mayo.

“2025 was very difficult for our family because we lost two of our loved ones. But that’s part of God’s plan. We may not understand, it was difficult. Mahirap for all of us, in all aspects. More often than not, you don’t know how you’re able to go through it,” paglalahad sa amin ni Jackie Lou sa Fast Talk with Boy Abunda.

Kahit matagal nang nagkahiwalay ang dating mag-asawa ay hindi naman ito masyadong napag-usapan ng publiko. Mahirap para kay Jackie Lou ang nangyari lalo pa’t limitado lamang ang nakaalam sa tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan noon ng namayapang aktor.

Tatlo ang naging anak nina Jackie Lou at Ricky na sina Kenneth, Ara at Rikki Mae. Maraming natutunan sa buhay ang aktes dahil na rin sa mga nalampasang pagsubok sa buhay noong 2025.

“Marami rin learnings at maraming pwede pang pagbutihin sa Bagong Taon. Kung ano man ‘yung natutunan, pwedeng gamitin, pwedeng ibahagi sa ibang tao,” giit niya.

Mapapanood si Jackie Lou sa House of Lies na pagbibidahan nina Beauty Gonzalez, Kris Bernal, Mike Tan at Martin del Rosario. Magsisimula na sa Jan. 19 ang bagong GMA Afternoon Prime series. Lubos ang pasasalamat ni Jackie Lou dahil nakagagawa pa rin ng mga proyekto kahit mahigit apat na dekada nang aktibo sa show business.

“For a time, I would question na parang ‘Am I still wanted in the business? What would I be able to still get roles?’ It’s not being about relevant but about being genuine as I can. It’s about how true you are to yourself, how you value yourself. And if you are, you’ll always be relevant,” makahulugang pagtatapos ng beteranang aktres.

(Reports from JCC)

JACKIE LOU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with