Ellen, may hamon sa may konek sa korap!

Bukod kay Albie Casiño, pinag-umpisahan din ng usapan sa social media ang sinabi ng Cebuana actress na si Ellen Adarna patungkol sa mga taong konektado sa corrupt politicians.
Mahaba-haba ang kanyang komento: “Since I have a handful of friends/family who are associated with corrupt politicians and contractors…how many of us still turn a blind eye to corruption because it’s ‘family’ or ‘friends?” umpisa ni Ellen.
“Have you taken a stand and cut ties with these individuals/families? Or do we just keep pretending nothing’s wrong? Laughing, beso diri ug didto and showing up to their extravagant million-peso parties when invited?
“I’m seeing a lot of posts because Filipinos are upset and want accountability but as soon as you all get invited to their parties and gatherings, you all still show up. Cebu is so small we know who the corrupt ones are. Cut ties with these mfs!!!
“And then they make your business harder. Mao nau style. Dili ka nila hilomon. Lisod lisodron lang ka sa panginabuhi. All of a sudden, every approval is delayed. Every document questioned. Every rule bent just enough to just make it too expensive or too stressful for you to keep speaking,” mahabang komento/post ni Ellen kalakip ang isang art card ng isang broadsheet na patungkol sa nangyari sa Cebu.
Pinag-umpisahan din ng usapan sa social media ang post ng Albie Casiño na pinatatamaan niya ang influencer and developer na si Slater Young dahil sa pagbaha sa Cebu.
Sa series ng Instagram Stories, binanggit ulit ni Albie ang sinabi ni Slater Young noong 2023 na nagsasabing ang kanyang team ay nakipagtulungan sa mga eksperto sa pagpapanatili at nagsagawa ng “humigit-kumulang 300 revision” upang matiyak na ang proyekto ay sumusunod sa environmental standards.
Well, sa totoo lang kasalanan din minsan ng legit publication na panay ang pickup sa mga post ni Slater Young at misis nitong si Kryz Uy na lahat ng mga ginagawa nila ay pini-pick up at pino-promote pa.
Kaya rin naman nagkaroon sila ng ganun kalawak na clout kaya naging big time engineer sa Cebu at nakapagpatayo ng The Rise at Monterrazas na mala-Banaue Rice Terraces na ngayon ay controversial dahil itinuturo itong isa diumano sa mga dahilan kaya malala ang naging pagbaha sa Cebu.
Nananatiling tahimik dito si Slater Young na naging housemate sa Pinoy Big Brother noon kaya nakilala sa showbiz.
- Latest























