^

PSN Showbiz

Francine, may pinagdaanang roller coaster ride!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Francine, may pinagdaanang roller coaster ride!
Seth at Francine
STAR/File

Nakapukaw ng damdamin at talaga namang pinag-usapan ang mabigat na eksena nina Francine Diaz at Seth Fedelin sa ABS-CBN crime action-drama series na Sins of the Father kung saan nabunyag na ang madilim na realidad ng kanilang mga karakter.

Sa seryeng pinangungunahan ni Gerald Anderson at kasalukuyang most watched series sa iWant, ipinagtapat na ni Arissa (Francine) ang pagkakasangkot ng ama ni Enzo (Seth) na si Roldan (Joko Diaz) sa malalaking scams matapos nilang masaksihan ang pagkamatay ni Rainier (River Joseph).

Ibinahagi ni Francine na mala-’roller coaster ride’ ang na­ging karanasan nila dahil sa mga natutunan at naging improvement nila bilang mga aktor. Nagpasalamat din siya sa mga manonood na tumutok at pumuri sa kanilang eksena.

“Roller coaster ride siya dahil kapag nako-compare namin sa kung paano kami dati, napapa-’oo nga ang laki na ng difference namin.’ Sobrang dedicated namin sa craft namin kaya kahit may konting maka-recognize na pinaghirapan namin yung eksena naa-appreciate namin,” sabi ni Francine sa panayam sa Kapamilya Chat.

Samantala, binalikan ni Seth kung paano niya nalampasan ang mga hamon sa pagganap sa kanyang karakter.

“Aaminin ko na sobra akong nahirapan in terms of maturing sa loob at labas ng camera. Through time naman, nalaman na namin yung direksyon na dapat namin puntahan,” saad niya.

Simula nang pagbubukas ng bagong yugto nito, mas lalong tumitindi ang kuwento dahil nagsanib-pwersa sina Samuel (Gerald) at Agnes (Jessy Mendiola) para isiwalat ang krimen nina Roldan (Joko) habang bumubuo rin ng sariling plano si Leah (Shaina Magdayao) upang alamin ang sikreto ni Jacob (JC De Vera) at mailigtas ang kanyang mga anak mula sa kapahamakan.

Napapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes, 9:30pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC.

FRANCINE DIAZ

SETH FEDELIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with