^

PSN Showbiz

Kakie, nagmana sa ama!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Kakie, nagmana sa ama!
Frankie Pangilinan

Tinanggap ni Frankie Pangilinan, panga­nay na anak ng mag-asawang Sen. Kiko Pangilinan at Megastar na si Sharon Cuneta ang kanyang posisyon bilang Chairperson of the Committee on Youth ng Senate Spouses Foundation, Inc. kung saan ang wife ni Senate President Chiz Escudero na si Heart Evangelista ang reelected president, at kung saan din kabilang ang misis ni dating Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto na si Helen Gamboa-Sotto maging ang wife ni Sen. Robin Padilla na si Mariel Padilla, among others.

Indikasyon na nga kaya ito na may planong sundan ni Frankie balang araw ang yapak ng kanyang politician father na si Sen. Kiko Pangilinan?

Siyempre proud kay Frankie ang kanyang Megastar mom and her senator dad na si Sen. Kiko.

The 24-year-old singer-songwriter and New York City graduate of Literature and Anthropology admits that she’s excited sa kanyang bagong role na ipinagkatiwala sa kanya.

Bea, ayaw pagpiyestahan ang jowa

Posthouse star Bea Binene admits that she’s currently in a relationship sa isang non-showbiz guy. Ito ang dahilan kung bakit nanatiling pribado ang kanilang relasyon hanggang ngayon.

Samantala, hindi ikinakaila ni Bea na super thankful umano siya sa management ng Viva dahil magmula nang siya’y lumipat dito in September 2022 (from GMA Artist Center, now Sparkle) ay hindi siya nawawalan ng proyekto na ang pinakabago ay ang psychological horror movie na Posthouse na siyang directorial debut ng kilalang film editor na si Nikolas Red habang tumatayo namang creative director ang kapatid nitong director ding si Mikhail Red.

Co-lead niya rito ang mahusay na actor na si Sid Lucero kasama ang mag-amang Carlos Siguion-Reyna at Rafa Siguion-Reyna, Ryza Cenon at iba pa.

Bea has been in showbiz for the last 14 years na kanyang sinimulan when she was a child actress matapos siyang maging finalist sa reality talent show na StarStruck Kids nung 2004 na siya niyang naging entry point sa showbiz.

Marco, hirap kalimutan si Heaven

Kahit hiwalay na ang dating magkasintahang Heaven Peralejo at ang Fil-Italian actor na si Marco Gallo last July, aalalahanin pa rin ng actor ang kanilang masasayang moments ng kanyang ex.

Mutual umano ang naging desisyon nina Heaven at Marco na maghiwalay. Pero ang maganda ay walang away at sumbatan na nangyari at nanatili ang kanilang pagkakaibigan na nagsimula nung sila’y nasa loob pa ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 house.

It was only in 2023 nang magsimula ang relasyon nila nang kanilang gawin ang hit wattpad adaptation university series na The Rain in España na sinundan pa ng iba pang mga proyekto na silang dalawa ang magkasama tulad ng pelikulang Men from QC, Woman are from Alabang, at TV series na Safe Skies, Archer, Chasing In the Wild and Avenues of the Diamond.

After the breakup ay agad naman nagkaroon ng bagong series si Heaven, ang digital TV adaptation ng isa pang wattpad hit na I Love You Since 1892 kung saan niya katambal sina Jerome Ponce at Joseph Marco mula sa direksyon ni Mac Alejandre under Viva One. This will premiere this coming Sept. 6, 2025.

 

FRANKIE PANGILINAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with