^

PSN Showbiz

‘Hindi biro ang maging nanay’ – Melai!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
‘Hindi biro ang maging nanay’ – Melai!
Melai Cantiveros

Pagkatapos ng matagumpay na Surf2Sawa sa QC noong April, muling naghatid ng walang-sawang saya, palaro at papremyo ang Surf2Sawa at Converge ICT noong Sabado, June 28, 2025, sa Quirino Elementary School, Anonas St., Project 2, mula 7:00 a.m. hanggang 6:00 p.m.!

Sa mga nakaraang taon, kinilala ang Quezon City bilang isa sa pinakamabilis na umuunlad na lungsod sa hanay ng mga Highly Urbanized Cities sa bansa.

Sa mahigit 3 milyong residente, ikinagalak ng Surf2Sawa na maihatid ang kasiyahan at abot-kayang koneksyon upang tuluyang mabigyang solusyon ang digital divide at masigurong konektado ang bawat pamilyang Pilipino.

Ang Surf2Sawa o S2S ay ang prepaid fiber internet plan na mura, unlimited, at walang kontrata. At ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa bawat tahanang Filipino, lalo na sa mga nanay, na mapanatiling konektado ang pamilya, makapagturo sa mga anak, at makapag-ma­nage ng pang-araw-araw na gawain online.

May bilis ito na umaabot hanggang 50 Mbps (mula sa 25 Mbps) at nagkakahalaga lamang ng ?4.00 kada araw bawat user (hanggang 6 na devices ang pwedeng kumonekta). At dahil prepaid ang Surf2Sawa, nakakapili ang customers ng top-up options na angkop sa kanilang pangangailangan. Ngayong taon, inilunsad din nila ang bagong Surf2Sawa 999: sa halagang ?999 lang, kasama ng installation ay makakakuha ka pa ng 30 days unlimited internet.

Kasabay ng masayang selebrasyon ang dalawang nakapapanabik na pasabog: na­ngunguna ang official launch ng MamaMo,  ang All-MAMA P-Pop girl group ng S2S na binubuo ng ating Fiberkads na sina Melai Cantiveros, Rochelle Pangilinan, Cheche Tolentino, Jopay Paguia-Zamora, at Sunshine Garcia-Castro. Ang MamaMo ay sumasalamin sa mga ilaw ng tahanan na siyang walang-sawang tumitindig para sa pamilya, at siya ring inspirasyon sa advocacy ng S2S na ma-empower ang bawat pamilya at tahanan na sumulong sa pang araw-araw.

“Hindi biro ang responsibilidad ng pagiging ina,” ani Melai Cantiveros. “Pero sa tulong ng Surf2Sawa at ng MamaMo, naipapakita namin na ang mga nanay ay hindi lang ilaw ng tahanan—kundi lakas din ng pamilya. Kaya naming kumilos, magsaya, at magbigay-inspirasyon habang patuloy na nagsusumikap para sa mga mahal namin sa buhay. Para ‘to sa lahat ng nanay na gustong maging konektado, empowered, at hindi sumusuko.”

Kaakibat nito ang kaabang-abang na special performance mula kay Fiberkads Yeng Constantino!

Hindi rin nawala ang mga nakasanayang masayang activities tulad ng Zumba2Sawa, Banda Musiko, at ang inaabangang Dance2Sawa competition, kung saan 10 kalahok mula sa Barangay Quirino ang nagpasiklab ng talento at nag-uwi ng exciting na papremyo!

Tampok din ang Sugod Barangay segment, kung saan tatlong pamilya ang nanalo ng isang taon na libreng internet at iba pang sorpresa mula sa Surf2Sawa.

At tulad ng nakagawian nating Fiberkads, nagkaroon pa rin ng mga libreng food carts, gupit, at masahe para sa lahat.

MELAI CANTIVEROS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with