Barbie, tiklop kay Jak!

Simula ngayong miyerkules ay mapapanood na sa mga sinehan ang pelikulang that kind of love na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at David Licauco. Sa South Korea pa kinunan ang karamihan sa eksena para sa naturang proyekto. Sobrang na-enjoy umano ng aktres ang mga pagkain sa Korea. “Sobrang saya po, very efficient, ang ganda ng script. Parehas kami as rom-com fans ourselves, na-enjoy namin siyang gawin. Sobrang saya ko po, Tito Boy. Kasi sobrang hilig ko po sa Korean food. Sa mga odeng, tteokbokki, samgyupsal, mahilig ako do’n. Kaya kunyari kapag lunch break or dinner break, sinasama ko ‘yung ilang staff. Kumakain, nagpu-food trip talaga kami. ‘Yung locations do’n very romantic talaga,” nakangiting kwento sa amin ni Barbie sa Fast Talk with Boy Abunda.
Samantala, pitong taon nang magkasintahan ngayon sina Barbie at Jak Roberto. Ayon sa aktres ay talagang magkasundung-magkasundo ang kanilang ugali ni Jak kaya nagtagal ang kanilang relasyon. “Ang laking factor po kasi na ang mature mag-handle ng relationship ni Jak. So ‘yung ugali ko na-tolerate niya. Feeling ko kasi ako may pagka-alpha. So pagdating sa relationship namin, napapatiklop ako ng Jak eh. Kasi kapag meron po kaming pinag-uusapan, siyempre as an alpha, feeling ko lagi tama ako. Tapos bigla niya akong kakalmahin muna. Hindi ‘yung sasabayan niya ‘yung level of emotion ko. Then ipo-point out niya ‘yung gusto niyang sabihin. Then mare-realize ko na, ‘Ay! Oo nga ‘no,’” pagdedetalye ng dalaga.
Sa mga nakalipas na taon ay marami na ring pagsubok ang nalampasan ng magkasintahan. Para kay Barbie ay sobrang maunawain ni Jak kahit na nababalewala niya ang aktor paminsan-minsan. “Quality time (ang pinakamahirap), especially busy. Nakaramdam ako ng konting guilt towards him ‘coz I have to admit, hindi naman ito bago na I have to set him aside. Kasi nag-pick up ang BarDa (tambalan nina Barbie at David). He really took it lightly. He’s very proud of me, very happy for me. Siya nga lagi ‘yung nagyayayang mag-celebrate. Iti-treat niya ako kapag may bago akong endorsement or show with David, gano’n siya,” pagbabahagi ng aktres.
May bulung-bulungan na hindi raw nag-uusap sina Jak at David mula nang namayagpag ang tambalang BarDa. Ayon naman kay Barbie ay magkaibigan ang dalawang Kapuso actors. “Sabi nila, ha-ha-ha! Hindi naman sila nag-uusap. So I guess they’re good. Saka very secure siya sa sarili niya. He lets his woman shine kahit not with him,” natatawang pahayag ng aktres.
May mga pagkakataong napag-uusapan na nina Barbie at Jak ang tungkol sa kasal. Mahilig umanong magpadala ng wedding videos ang aktor sa dalaga. “Opo, kinikilig nga ako kapag nag-send siya ng wedding videos sa Instagram. Sabi ko, ah okay, so pumapasok sa isip niya then sine-send niya sa akin. So, gusto niya na… he wants to get involved in that area. Kasi ‘di ba ang mga boys ayaw nilang nagpa-plan ng mga wedding, so may gano’n siya,” pagtatapat ng Kapuso actress. (Reports from JCC)
- Latest























