^

PSN Showbiz

Smokey Mountain at Wency Cornejo, may pa-‘90s throwback sa ASAP!

Pilipino Star Ngayon
Smokey Mountain at Wency Cornejo, may pa-�90s throwback sa ASAP!
Geneva Cruz at Jeffrey Hidalgo

Damhin ang nostalgia ngayong weekend dahil sa mga showstopping na ‘90s inspired performance ng mga Kapamilya artist ngayong Linggo (Abril 21) sa ASAP Natin ‘To sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Maghanda para sa pangmalakasang throwback opening number tampok ang iba’t ibang ‘90s hit songs kasama sina Gary Valenciano, Regine Velasquez, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Vina Morales, Darren Espanto, Maymay Entrata, Janella Salvador, Angeline Quinto, Yeng Constantino, Jona, Klarisse De Guzman, Kyle Echarri, Alexa Ilacad, Anji Salvacion, Sheena Belarmino, Jeremy Glinoga, Jason Dy, Bituin Escalante, Frenchie Dy, Sheryn Regis, JM Yosures, at Reiven Umali. 

Abangan ang Nation’s Girl Group BINI na kakanta ng kanilang pre-debut single at electro-pop remake ng hit song ng Smokey Mountain na Da Coconut Nut. Bukod dito, maghahatid rin ng fresh renditions ng iba pang kanta ng Smokey Mountain ang Kapamilya singing champions na sina Jed Madela, Jona, Klarisse, Jason, Sheryn Regis, Bituin, Frenchie, Katrina Velarde, Sheena, Elha Nympha, Bugoy Drilon, JM Yosures, Reiven, JM Dela Cerna kasama ang mismong mga miyembro ng banda na sina Geneva Cruz at Jeffrey Hidalgo.

Ipagpatuloy ang ‘90s trip sa isang nakaka-excite na all-star dance performance kasama sina Joshua Garcia, Maymay, Gela Atayde, Race Matias, at Ken San Jose. Subaybayan din ang isang epic dance clash kasama sina AC Bonifacio at Chie Filomeno.

Magbibigay rin ng bonggang concert performance si Mr. Pure Energy Gary V tampok ang mga nostalgic na international hits sa ASAP stage.

Bibigyang-pugay rin ng ASAP ang ‘90s OPM singers and bands sa pamamagitan ng awitin na hatid ng singing divas na sina Regine, Zsa Zsa, Nina, at Klarisse ng Now That I Have You ng The Company. Magpapabilib rin sa kantahan sina Martin, Ogie at Erik kasama ang mga balladeer na sina Chad Borja, Rannie Raymundo, at Richard Reynoso. Mapapakinggan naman ang mga awitin ni Wency Cornejo kasama sina Gary, Zsa Zsa, Ogie, Angeline, Erik, Martin, at Regine.

vuukle comment

ACTRESS

GENEVA CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with