^

PSN Showbiz

‘Huwag padikta sa iba’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
�Huwag padikta sa iba�
Tet, Lani, Salve, Gorgy, Lolit, at PAT-P

Hay salamat naman at nakalabas ako kahapon ng tanghali.

Nag-lunch kami para kay Lani Mercado na magse-celebrate ng kanyang birthday sa April 13.

At talagang sinulit ko ang rampa dahil naka-brunch ko naman ang baguhang singer na si Giuliana Chiong na nag-represent sa bansa sa Rising Voice sa China. Bongga.

Talagang sulit ang pagrampa ko at as expected naging conversation namin ‘yung mga naiwan na pautang ng friend namin na si Hazel na pumanaw noong nakaraang linggo. Naisip ko nga, paano nga pala sinisingil pag halimbawa namatay na iyon may pautang?

Valid pa ba iyon utang mo? O puwedeng null and void.

Talagang iyon naging problema namin nila Gorgy Rula at Salve. Paano na ang mga naiwan ni Hazel na very untimely ang pagpanaw.

Buti na lang at malalaki na ang mga anak niya at nandiyan ang BFF niyang si Tet de Joya na alam lahat sa life ni Hazel.

Kaya siguro safe lahat ang mga naiwan na property ni Hazel dahil tiyak gagabayan ni Tet ang mga anak nito. Kaya tuloy naisip ko totoo iyon sinasabi ng marami, lahat worthless pag wala ka na. Hindi mo nga puwedeng dalhin kahit ano pang inipon mo sa lupa.

No wonder madalas sabihin na enjoy life while you can dahil kelan mo pa ito i-enjoy. Like iyon dapat kainin mo na lahat ng pagkain gusto mo dahil hindi mo na rin alam kung kelan mo pa ito makakain.

Kung talagang bawal para sa iyo, kahit konti tikman mo para mawala ang craving mo.

What you want is more important than what is bad for you. Kung talagang bawal sa iyo, how many days of your life ba ang mababawas kung sakali?

Iyon feeling na na-deprive ka will be there in your mind sa mahabang panahon. Kaya nga to make your life more meaningful, do things na gusto mo, that will make you happy.

Ingat lang dahil ikaw ang may mas alam ng katawan mo.

Life is short, at lahat tayo may expiration date, so make the most out of it.

Happiness will only be your own judgment, hindi ng ibang tao. Iyon para sa iyong ikaliligaya  gawin mo, huwag kang padikta sa iba. At from now on, do what you think is right for you hindi iyon gusto ng iba. So ganyan ang buhay, iyan ang sundin natin.

Bongga.

vuukle comment

SHOWBIZ

TRENDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with