^

PSN Showbiz

Yumayaman sa pagiging plantita Aubrey, nakabenta ng halaman sa halagang P1M!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Yumayaman sa pagiging plantita Aubrey, nakabenta ng halaman sa halagang P1M!
Aubrey Miles
STAR/File

Ang bongga naman ni Aubrey Miles na nakapagbenta ng halaman na nagkakahalagang P1 million.

Plantita pala ang misis ni Troy Montero at pinagkakitaan niya ito noong pandemya.

Hindi raw pala basta-basta ang halaman na nagkakahalaga ng isang milyong piso na tinatawag na spiritus sancti.

Galing pala itong Brazil na matatagpuan lang sa rainforest na very rare daw talaga. Mahirap daw itong hana­pin at kailangan talagang i-hunt.

Noong una raw niya itong bilhin ay pinatubo niya muna ito para mas dumami ang mga dahon nito para maibenta.

Binenta niya raw ang isa nito ng P300,000, habang P200,00 ang isa pa na mga nasa dalawang dahon lang daw.

Bukod pa sa pinagkakakitaang halaman ay meron din siyang A-Miles Pawnshop.

Kuwento nga ni Troy ay mas organized daw talaga ang misis pagdating sa pera at lagi raw nila itong pinag-uusapan.

Dingdong at Marian, super couple

Siguro nga nag-mellow na talaga si Ma­rian Rivera. Malaking bagay talaga na naging asawa niya si Dingdong Dantes at naging subdued ang dati niyang image.

Maganda ang team nilang dalawa kaya siguro maraming blessings ang nakukuha nila.

Ang daming ginagawa ni Dingdong at mahal na mahal siya ng viewers lalo na sa Family Feud. Maganda rin ang projects ni Marian kaya bongga ang team ng Dantes couple.

Ang isa pang maganda, kita mo ang suporta ng GMA sa couple. We can only say congrats, at talagang super couple sina Dingdong at Marian.

Bongga.

vuukle comment

AUBREY MILES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with