^

PSN Showbiz

Kim, mas napopogian kay Paulo kesa kay Park Seo-Joon

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kim, mas napopogian kay Paulo kesa kay Park Seo-Joon
Kim Chiu
STAR/ File

Pambawi ni Paulo Avelino kay Kim Chiu ang What’s Wrong with Secretary Kim. Ito ang inamin ng actor sa media conference ng kanilang balik-tambalan pagkatapos ng massive success ng Linlang nung tinanong sila kung ano ang ginawa nilang unusual alang-alang sa love. “Dahil sa pagmamahal ko bilang katrabaho ka (sabay tingin kay Kim) at sa lahat ng binigay mo sa Linlang, pambawi ‘to sa ‘yo,” say ni Paulo na ikinakilig ng sobra ng mga andun sa media conference kabilang na ang maraming fans sa Gateway Mall.

Kaya nga rin wala raw siyang second thought dito, oo kaagad siya dahil sa actress : “If it was offered to me and it wasn’t Kim, I’d probably have second thoughts.”

Pero iba ang sagot ni Kim : “Ano ba ‘yung love? Nakalimutan ko na” sabay hagikhik ng actress, though nagseryoso rin naman at sinabing : “Sobrang giving ko talaga na tao na parang ayoko na may male-left out or may nao-OP or something. I always give as long as I can give.”

Grabe rin ang tilian nung nag-dialogue si Kim na mas gwapo naman ang leading man niya kesa sa original actor sa Korean version nito na si Park Seo-joon. Sabay papuri na “Alam niya ‘yung ginagawa niya, very consistent sa trabaho and parang we share the same passion when it comes to work saka parehas kami ng gusto so nakakagulat na parang boy counterpart ko siya.”

Ganti naman ni Paulo, low-batt version siya ni Kim. “So, parang nakaka-amaze na makakita ng boy version mo. Nakakatuwang makatrabaho ang isang Paulo Avelino. Mas nakaka-amaze kasi tinanggap niya itong rom-com na genre so mas napahanga niya ako as an actor dahil kaya niyang gawin lahat talaga in his best,” hirit pa ni Kim na todohan ang kilig noong Sabado sa mediacon.

GMA, TV Station of the Year sa Platinum Stallion National Media Awards

Muli na namang itinanghal ang GMA Network bilang TV Station of the Year sa Platinum Stallion National Media Awards ng Trinity University of Asia. Bukod dito, ginawaran din ang Network ng 18 pang awards sa iba’t ibang kategorya sa TV at radyo.

Sa ika-7 pagkakataon, nakuha ng GMA Regional TV ang Regional TV Network of the Year Award.

Nasungkit naman ng DZBB Super Radyo 594 ang AM Radio Station of the Year.

Panalo rin ang 24 Oras ng Best TV News Program Award. Kinilala rin sina Atom Araullo at Vicky Morales bilang Male News Anchor of the Year at Female News Anchor of the Year.

Mula sa GMA Public Affairs, waging muli ang Kapuso Mo, Jessica Soho bilang Best News Magazine Program. Best Morning Show naman ang Unang Hirit.

Nasungkit din ng Reporter’s Notebook ang Best Documentary TV Show Award. Kinilala rin si Emil Sumangil bilang Best Public Service Program Host.

Bumuhos din ang awards ng Kapuso Network sa larangan ng entertainment.

Ang Platinum Stallion National Media Awards ay nagbibigay-parangal sa mga natatanging indibidwal at institusyon sa larangan ng media para sa mga kontribusyon nila sa industriya na nagbibigay-inspirasyon sa Trinitarian community.

Certified number 1 sa Nielsen! feeling great and dabest @ 38!

Ganun na katagal ang Pilipino Star NGAYON. Pero nanatiling dabest sa lahat.

Base sa survey ng Nielsen, certified number 1 ang aming dyaryo.

Feeling great and the dabest dahil hindi bumibitiw ang mga lo­yalista sa pagbabasa at nakasabay sa pagbabago ng panahon.

Kumbaga sa tao noong nakalipas na panahon, dapat sa ganyang edad, may asawa’t anak ka na.

Pero nagbabago ang lahat, hindi na nagmamadali, bata pa ang edad na 38, marami ka pang pwedeng gawin na walang kasama sa buhay at makakapaghintay ang pagpapakasal.

‘Yung tipong akala mo hindi magkakaroon ng kalaban ang print media pero umusbong ang social media na literal na niyanig ang print industry pero hindi nagpatumba, lumaban at nanatiling buhay na buhay. Hanggang nakasabay sa digital platforms sa pamamagitan ng mga website.

At tulad din sa lovelife, maraming pinagdaanan at pagdaraanan sa totoong buhay pero sa bandang huli maaayos din ang lahat.

Maraming salamat sa mga patuloy na naniniwala sa pagbabasa ng dyaryo.

Matindi rin ang naging laban ng print media noong nagkaroon ng pandemic.

Pero hindi sumuko ang #PilStarNGAYON. Bumangon at bumalik sa normal ang lahat.

Cheers to more years of adventures sa pagbabalita at pagbibigay ng mga totoong kuwento na may katuturan at hindi basta pinulot lang.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with