^

PSN Showbiz

iIsa pang anak ni Jaclyn, nakahabol sa inurnment

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
iIsa pang anak ni Jaclyn, nakahabol sa inurnment
Veronica
STAR/ File

Noong Sabado ang huling araw ng burol kay Jaclyn Jose, pero pamilya na lang ang nakakasama nito.

Pero pamilya na rin ang turing ni Jaclyn sa mga nakakatrabaho niya sa showbiz, kaya mabuti na lang at nagkaroon ng ilang araw ding lamay na kung saan nakapagbigay ng pag-alala sa namayapang aktres ang mga taga-showbiz na itinuring niyang pamilya.

Ang latest na nabalitaan namin, dumating na sa bansa ang anak ni Jaclyn na si Gwen na nag-aaral sa Amerika. Nabasa rin namin sa social media na sinundo ito sa airport ng mag-amang Bimbo at Diego Cerrudo.

At kahapon daw ang inurnment ng namayapang aktres.

Ang sabi lang ni Gabby Eigenmann sa panayam sa kanya nung Huwebes sa PPL night, narinig lang daw niya kay Andi Eigenmann na uuwi na sila. Kaya ang iniisip nila na baka dalhin niya ito sa Siargao. “Well, may plans na ganun pero hindi pa nako-confirm. May mga… may mga ideas na…Yeah, basta… may sinabi si Andi na, ‘Uwi na tayo, Nanay.’ ‘Yun ang ‘di ko makakalimutan, and that hit me. Hit everyone, especially me. ‘Yung ‘Uwi na tayo, Nanay’ — daming ibig sabihin nun,” saad ni Gabby.

Kapatid ni Andi Eigenmann si Gabby sa ama, Mark Gil at isa ang aktor sa pinakamalapit kay Jaclyn.

Ngayong isa nang ulila si Andi, nandiyan si Gabby para bantayan ito, samahan siya sa kanyang pangungulila.

Naging open na rin naman sa publiko ang ups and downs ng relas­yon ng mag-inang Jaclyn at Andi. Pero sabi nga ni Gabby, ang malaking nagawa ng namayapang aktres ay nagawa niyang independent ang mga anak.

Gusto nang marinig ang mga papuri... Vice, nagpaplano na agad magpa-eulogy!

May realizations na naman ang karamihan pagkatapos nung pumanaw si Jaclyn Jose.

Isa sa magandang thoughts na ibihahagi ni Vice Ganda sa It’s Showtime nung Biyernes ay ang pagsabi natin ng magaganda sa isa’t-isa.

Noon pa raw ay pinag-uusapan na nila ni Anne Curtis na parang gusto raw niyang magpa-eulogy habang buhay pa siya.

Sabi ng comedian/TV host, mas mabuting habang buhay pa raw siya ay alam na niya ang mga gustong sasabihin ng mga taong mahal niya. “Sinasabi ko nga kay Anne e. Parang gusto kong magpa-eulogy. Sabi niya, bakit ang morbid mo?” bulalas ni Vice Ganda sa segment nilang Expecially For You.

“Bakit mag-aantay tayo ng eulogy? Kasi ‘pag ginagawa natin ‘yun, there are so much love left unspoken. ‘Di ba? Ang daming pagmamahal na hindi nasasabi. Tapos sasabihin na lang ‘pag kailan patay? Bakit hindi natin sasabihin ‘pag birthday, ‘di ba, pangkaraniwang okasyon. Kasi nga hindi natin hawak ang bukas. So dahil hindi natin alam kung masasabi pa natin ‘to bukas, sabihin na natin ngayon,” dagdag niyang pahayag.

Maganda ang mga sinabi ni Vice Ganda, pero may pitik pa siya sa reporters.

Aniya, “Ako kasi parang… gusto hangga’t buhay ako ma-enjoy ko ‘yung puwede kong ma-enjoy kasi ‘pag wala tayo, hindi na natin mai-enjoy ‘yan.

“Ang dami nating sinasabing hindi magaganda sa isa’t-isa. Bakit hindi natin i-try ng magsalita ng magaganda, ‘di ba?

“Diyos ko! Yung parang sa news, ‘yung mga reporter, ‘pag buhay ka kung anu-anong sinasabi sa ‘yo, ‘di ba, ng mga reporter? Pero ‘pag namatay ka, ano ‘yan, the legend in Philippine showbiz, an icon, one of the best. Sus! Pero nung nabubuhay, kung ano-anong tsismis ang sinulat mo, ‘di ba?”

vuukle comment

GWEN

JACLYN

VICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with