^

PSN Showbiz

Maine, nagpasalamat sa coldplay

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Himalang wala kaming narinig na hanash sa social media kaugnay ng concert ng British band na Coldplay sa Philippine Arena nung isang gabi.

Nung una kasing nag-concert ang banda sa bansa, naging problema ang palabas ng venue dahil buhol-buhol ang traffic.

Eh mukhang naayos na ngayon ang exit kaya walang kaming rekla­mong narinig mula sa nanood kagaya ni Maine Mendoza na favorite ang foreign group.

Nagpasalamat ang Coldplay sa dumumog sa concert nila at saad nila sa Twitter ng, “Thank you Manila,” na sinagot naman ni Maine ng, “Thank you for tonight and for always!”

Nagustuhan mo ba ang Coldplay, Miss Salve A.? (Ay naman tito. As expected, ang saya. – Salve)

Rhen, ‘sumugal’ sa casino

Isa sa sinugalan sa pag-ibig ng Viva star na si Rhen Escaño ang Kapuso artist na si Kokoy de Santos.

Hindi nagtagal ang kanilang relasyon, nanatili pa rin silang magkaibigan.

Sa launching ni Rhen bilang unang endorser ng online casino na CC6, mas susugalan niya ngayon ang kanyang career.

“Gusto kong makagawa ng movie at TV na talagang magugustuhan ng mga tao. Saka na muna ang pag-ibig,” diin ni Rhen.

Ang ikinagusto ni Rhen sa online casino, may mga charity work itong ginagawa sa malalayong lugar. Gusto niyang maging bahagi ng kanilang advocacy lalo na sa darating niyang kaarawan.

Sa third anniversary ng CC6 ngayong Feb. 2, 2024, ipamamahagi nila ang P10 billion sa members at charitable causes sa kanilang selebrasyon.

Last December, ginawaran ng Gawad Filipino Awards ang CC6 bilang Most Trusted Casino na handang tumulong sa less fortunate people.

vuukle comment

ACTRESS

CASINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with