^

PSN Showbiz

The Jets, may pa-throwback sa dekada ‘80

Pilipino Star Ngayon
The Jets, may pa-throwback sa dekada �80
The Jets

MANILA, Philippines — Magkakaroon ng two-night concert ang ‘80s pop sensation na The Jets na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater sa Jan. 26 at 27.

Ibabalik ng Grammy-nominated group ang oras kasama ang kanilang throwback tracks gaya ng Crush on You, You Got It All, at Make it Real sa kanilang two-night concert.

Ito ang ika-apat na pagbabalik ng Tongan-American group sa Manila kung saan naging mahalagang bahagi ng ‘80s pop culture ang kanilang musika at nananatiling minamahal na kanilang mga tagahanga hanggang ngayon.

Unang nagsama-sama noong taong 1977 ang magkakapatid na LeRoy, Eddie, Eugene, Haini, Rudy, Kathi, Elizabeth, at Moana Wolfgramm upang buuin ang The Jets. At doon nagtuluy-tuloy ang kasikatan ng family band sa music scene na may magkahalong retro rock and roll at contemporary pop influences.

Kaya naman inaanyayahan ang lahat na magbalik-tanaw sa magandang alaala ng ‘80s music kasama ang The Jets na mapapanood nang live sa Manila concert sa Newport Performing Arts Theater.

Maaari nang bumili ng tickets sa TicketWorld at SM Tickets outlets: P9,500 (PLATINUM), P8,300 (SVIP), P7,200 (VIP), P5,800 (GOLD), P3,500 (SILVER), and P1,200 (BRONZE).

Sa iba pang katanungan, maaaring tawagan sina JhayR dela Cruz sa 0917 818 9847, Raf Sangco sa 0917 807 9387, James Rodriguez sa 0917 829 2173, at Paulo San Jose sa 0917 810 5031.

vuukle comment

AMERICAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with