^

PSN Showbiz

'Magre-regalo lang si Rob': Bianca Manalo sinagot 'he's in Valenzuela' convo

James Relativo - Pilipino Star Ngayon
'Magre-regalo lang si Rob': Bianca Manalo sinagot 'he's in Valenzuela' convo
Litrato nina Bianca Manalo (kaliwa), Sen. Sherwin Gatchalian (gitna) at Rob Gomez (kanan)
Mga litrato galing sa Instagram accounts nina Bianca Manalo at Rob Gomez

MANILA, Philippines — Itinanggi ni Miss Universe Philippines 2009 Bianca Manalo na iniputan niya sa ulo ang nobyong si Sen. Sherwin Gatchalian matapos kumalat ang diumano'y pribadong online messages nila ng aktor na si Rob Gomez.

"Let me clear all the false rumors circulating on the internet," sabi ng beauty queen sa kanyang Instagram (IG) account ngayong Biyernes.

"Rob Gomez and I are friends and co-workers. He was going to bring Christmas gifts and I wanted to receive them early before I leave for the airport."

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang i-leak sa social media diumano ng dating nobya ni Rob ang ilang nakalandian at naka-sex daw ng aktor. 

Kabilang sa mga dinadawit ay sina Bianca at Binibining Pilipinas 2022 1st runner-up at Miss Philippines Tourism 2023 Herlene Budol. Pareho sila nakasama ni Gomez sa Kapuso serye na "Magandang Dilag."

"It's upsetting that our conversations were exposed without my consent, which is a breach of privacy and the cause of so much online bashing," dagdag pa ni Bianca.

"It is obvious that parts of our conversation were deleted to create malicious insinuations. To be honest, this unfounded accusation is hurting me and my loved ones. Let this controversy end so I can enjoy the rest of my time in Japan with my family."

"Let us spread love and the truth this holiday season. Merry Christmas, everyone." 

'He's not here, he's in Valenzuela'

Kilalang longtime girlfriend ni Sen. Gatchalian si Manalo.

Lumalabas sa isang diumano'y message ni Bianca kay Rob ang mga sumusunod na salita, dahilan para maiugnay siya sa pang-e-escabetse: 

"Kaya mo ba pumunta that early? 7am? Brought my dogs here sa makati. Let me know para i can go back to bgc (Bonifacio Global City) early to see you before i leave at 10am. He's not here. He's in valenzuela (sic)." 

Makikita pa sa isang IG message diumano ni Manalo kay Rob ang mga katagang: "You didn't reply on telegram. Meron ka nanaman na pick up na ibang girl noh."

Maraming netizens ang hindi kumbinsido sa paliwanag ni Bianca na maghahatid lang ng regalo si Rob. Anila, kwestyonable kung bakit kailangang tiyaking wala si Gatchalian sa kanila noong panahong 'yon.

Si Gatchalian ay dating mayor at 1st district representative ng Valenzuela City bago maging senador. Tikom pa rin ang mambabatas tungkol sa isyu hanggang ngayon.

Matatandaang sinabi noon ni Manalo na "dapat bigyan ng allowance ang mga lalaking nagloloko sa relasyon," lalo na't baka maayos pa raw ng mag-asawa ang isyu.

Una nang sinagot nina Rob at Herlene ang mga akusasyon at pagkalat ng viral screenshots habang idinidiin ng aktor na kinuha sa kanya ang kanyang cellphone at ginamit nang walang pahintulot.

vuukle comment

BIANCA MANALO

HERLENE BUDOL

ROB GOMEZ

SHERWIN GATCHALIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with