^

PSN Showbiz

Liza, nagbilad sa isla!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Liza, nagbilad sa isla!
Liza Soberano

Ang bongga naman ni Liza Soberano na nag-post ng kanyang bikini photos.

Bihirang makita o mag-post ang aktres ng kanyang sexy photos kaya marami ang nagulat sa kanyang pag-flex ng mga bikini photo kung saan lutang ang kurba ng kanyang katawan.

“Catching rays with my faves,” caption niya sa kanyang post habang nasa isang isla sa Palawan.

Kaya naman pinusuan ito ng kanyang mga kaibigan at tagahanga.

Pero hindi pa rin talaga nawawala ang bashers na sinabing gagawa raw ba ito ng Vivamax movie.

Sinagot naman ito ng isang fan na sinabing kalma dahil isa lamang itong endorsement post ng dalaga.

Mukhang handa na rin siguro si Liza sa mature roles kaya pakonti-konti ang kanyang pagpapakita ng katawan at sabi nga ng fans ay hindi raw ito sanay mag-post ng ganito kaya sa ngayon ay tinakpan muna niya nang konti ang katawan.

Marami rin ang nakapansin na naging slim na siya kumpara noon.

May pinaghahandaan kayang proyekto ang dalaga sa Hollywood pagkatapos niyang gawin ang Lisa Frankenstein?

‘Life was so good’

Dahil 77 na ako sa darating kong birthday talagang kina-career ni Gorgy Rula ang birthday lunch na inihanda nila para sa akin.

Talagang siya ang master ng invitation at sa ihahandang pagkain. Wala akong alam sa mga invited niya at kung ano ang food na kanyang order.

Basta ang alam ko sina Bong Revilla at Lani Mercado ang sagot sa bill ng resto, hah hah. Darating lang ako at makikikain. Sinabihan ko lang si Gorgy na huwag akong i-surprise sa mga invited niya dahil baka meron siyang papuntahin na wah ko type masira ang mood ko.

Alam n’yo naman na hindi ko natatago ang feeling ko ‘pag hindi ko gusto ang tao. Dapat para happy ako ‘yung mga type ko lang ang makita ko doon.

At dapat talaga maging happy ako dahil 77 na ako. Ang laki ng bonus na inabot ko ang edad na ito, at salamat sa Pilipino Star NGAYON at Pang Masa column at IG hindi ako nagkakaroon ng brain fog.

I love my life now, thankful and grateful for all the things na I enjoy. Saka I love the company I have na parang extended family ko dahil nga nag iisa lang ako dito sa Pilipinas. I have my nieces and nephews na siyang bahala ‘pag may nangyari sa akin. At ang isa kong hipag na nagbabantay ‘pag nasa hospital ako.

Life was so good to me na hindi ko akalaing magiging buhay ko. Imagine mo na the luxury of life natikman ko rin kaya naman talagang life was good, and God was really watching me and giving me graces.

Kaya, Salve at Gorgy, thank you sa birthday lunch na ibibigay n’yo, bongga.

vuukle comment

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with