^

PSN Showbiz

Rob Gomez, Herlene Budol nagsalita sa 'kabitan' issue; Bianca Manalo, Sen. Gatchalian tikom

James Relativo - Philstar.com
Rob Gomez, Herlene Budol nagsalita sa 'kabitan' issue; Bianca Manalo, Sen. Gatchalian tikom
Litrato nina Rob Gomez, Herlene Budol at Bianca Manalo
Mula sa Instagram account nina Rob Gomez, Herlene Budol at Bianca Manalo

MANILA, Philippines — Binasag ng aktor na si Rob Gomez ang kanyang katahimikan matapos mag-leak ang mga pribadong convos kasama ang beauty queens na sina Herlene Budol at Bianca Manalo — ang tatlo pinararatangang lumalahok sa "pagtataksil."

Nag-trending sina Rob, Herlene at Bianca nitong Miyerkules matapos biglang ma-upload sa Instagram account ng aktor ang diumano'y landian at laswaan kahit may anak na sa estranged girlfriend na si Shaila Rebortera. 

"Please be advised that my phone was taken and used it without my consent on December 20, 2023 from 12:30 a.m. to 4 p.m.," wika niya sa Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Miyerkules habang idinidiin si Rebortera sa nangyari.

"Worse is that the person who took my phone posted pictures of mine in my own social media account pretending that I posted it with the intention of destroying my reputation."

Bagama't burado na online ang mga kontrobersyal na online messages, nakuha itong ma-screenshot ng ilang netizens.

Matatandaang itinanggi ni Rob na may karelasyon siya sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Agosto 2023.

Hindi ito nagustuhan ni Shaila  — dating Miss Multinational Philippines 2021 — at nauwi sa pag-post ng mga litrato nila kasama ang baby na si Amelia. Nauwi ito sa hiwalayan kalaunan.

Bagama't hiwalay na sina Rob at Shaila, makikita sa diumano'y conversations kay Herlene na "hindi na raw nila maalala" kung kailan sila nagsimula "magkainan."

"The videos as shown were among my friends and co-stars who was trying to cheer me up when I was going through a lot of hurdles in my life," patuloy pa ni Rob.

Una nang sinabi ni Gomez na wala pa rin sa kanya ang kanyang phone matapos kunin sa kanya.

 

 

'Hindi ako buntis, ha'

Agad namang sumagod si Herlene sa pagkakaladkad niya sa isyu, maliban pa sa isyu ng diumano'y pagbubuntis niya. Lumabas kasi sa mga leaked convos ang diumano'y pregnancy test habang nakikipag-usap daw sa aktor.

"Bakit ako nakaladkad?" wika niya sa X, dating Twitter.

"Showbiz nga talaga! Pag dedicated ka sa trabaho.  gagawan ka ng issue! Dati asa #wowowin gumawa ng issue na buntis daw ako. Ngayon naman sa #MagandangDilag  may issue uli na buntis ako uli? Ano susunod? Sa #BlackRider mabubuntis ako uli?"

Matatandaang nagkakasama noon sa GMA-7 haponserye na "Magandang Dilag" sina Rob, Herlene at Bianca. Si Herlene ay dating Bininibining Pilipinas 1st runner-up at Miss Pihilippines Tourism 2023 habang si Bianca naman ay naging Miss Universe Philippines 2009.

Wala pa namang pahayag sa isyu sina Bianca at Sen. Sherwin Gatchalian na siyang matagal nang magkarelasyon.

vuukle comment

BIANCA MANALO

HERLENE BUDOL

ROB GOMEZ

SHERWIN GATCHALIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with