^

PSN Showbiz

Ice Seguerra, natupad ang pangarap na makapagkaroling

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Ice Seguerra, natupad ang pangarap na makapagkaroling
Ice Seguerra

MANILA, Philippines — Hindi naging tipikal ang growing up years ng dating child star na si Ice Seguerra dala ng kanyang kasikatan noon.Dahil maraming nakakakilala at natutuwa sa kanyang pagiging bibo, hindi siya basta-bastang nakakalabas at nagkakaroon ng pagkakataon na makihalubilo sa kapwa niya bata sa lugar nila. “Naalala ko, para makapaglaro ako kasama ng ibang bata sa lugar namin, pinasasara ‘yung buong kalsada tapos may mga tanod na nagbabantay sa magkabilang dulo,” umpisa ni Ice na ngayon ay 40 years old na.

Dala ng kanyang popularidad, maraming mga bagay ang hindi na-experience ni Ice at isa na rito ang pangangaroling tuwing kapasukuhan. “Maaga kasi akong nag-artista so never ko inabot ‘yung opportunity na makapagkaroling sa mga random house, as in walk house-to-house. Kaya gusto ko talagang gawin.”

Kamakailan, nagkaroon ng katuparan ang pa­ngarap ni Ice na makapagkaroling sa ilang piling residente ng Barangay Tatalon sa Quezon City sa pamamagitan ng kanyang partnership sa Solmux Advance, ang upgraded na solusyon galing sa popular na brand ng gamot para sa ubo na gawa ng Unilab, Inc.

Naging maaga ang Pasko para sa mga nakatatanda na sina Golden Alquiza, Fe Ocheada, Simplicia Cunanan, Erlinda Sese, at Isabel Angeles nang bisitahin nga sila ni Ice upang maghandog ng mga awiting pamasko. At lahat sila ay nasorpresa sa ‘di inaasahang pagdating ng ngayon ay celebrated singer-songwriter.

Unang nagtungo si Ice sa tinutuluyan ni Lolo Golden, 63-years-old at wala ng pamilyang kumakalinga. Ayon kay Lolo Golden ay matagal na siyang iniwan ng kanyang asawa habang ang dalawa naman niyang anak ay hindi rin bumibisita sa kanya. Naaksidente noon si Lolo Golden kaya siya napilay ngunit sa kabila nito ay nagsisikap pa rin siyang maghanap-buhay.

Bakas ang tuwa sa mukha ni Lolo Golden nang makita at marinig ang boses ni Ice. “Masaya ako na nadalaw niya ako. Naalala ko ang mga anak ko sa kanya.”

Sunod na pinuntahan ni Ice ay ang tirahan ni Lola Fe, isang stroke patient na ang ikinabubuhay ay ang paggawa ng mga basahan.

Kasama nitong namumuhay ang dalawang apo at isang pamangkin na isang breast cancer survivor.

Ani Lola Fe, hindi niya naisip na posibleng madadalaw siya ni Ice para kantahan. “Napapanood ko lang siya sa TV dati, ngayon may dala pang regalo na prutas at gamot,” wika ng 71 anyos na balo.

Nagpatuloy ang pangangaroling ni Ice sa bahay ni Lola Simplicia, isang 76 anyos na balo. Sa kabila ng kanyang edad at kondisyon, siya pa rin ang nag-aalaga sa anak niyang may cerebral palsy na ngayon ay 39 anyos na.

Dumaloy ang mga luha ng kasiyahan ni Lola dahil hindi rin siya makapaniwala. “Hindi ko inaasahan na si Ice ang masisilayan ko paglabas. Sobrang saya ko.”

Samantala, ang 60 anyos na si Erlinda Sese ay sinalubong ng yakap si Ice habang ito ay naglalakad papalapit sa kanyang tahanan. Balot man ng lungkot dala ng trahedya ng pagkamatay ng dalawa sa kanyang mga mahal sa buhay, ang kanyang anak at asawa, malugod nitong tinanggap si Ice at matamang nakinig sa tinig ng mga awit.

Ang huling bahay na pinuntahan ni Ice ay ang tirahan ni Lola Isabel, isang 90 anyos na mayroon ding anak na disabled at bedridden. Maraming anak si Lola Isabel ngunit may mga pamilya na rin ang mga ito at hirap din sa buhay. Upang may pambili ng pagkain at gamot, nangangalakal si Lola Isabel.

Tunay na hindi malilimutan ng mga indibidwal at kanilang mga pamilya ang pagbisita at pangangaroling ni Ice ngunit naging mas makabuluhan ito para sa mang-aawit.

“Happy ako na napuntahan ko sila kasi malambot talaga ang puso ko sa mga matatanda… I see my parents in them and I wish now that they are in their twilight years, sana they could rest and enjoy life, yung tipong nagwawalis na lang sila sa harap ng bahay or naghahardin,” he expressed.

Ibinahagi rin nito na nagkaroon ng mas malalim na kahulugan para sa kanya ang pangangaroling. “I’m not really big on giving gifts and I don’t know why. But what I can give is my time and the talent that was given to me. I can share it with people and these people, sila ‘yung mga hindi nakakapanood ng gigs. Sila ‘yung mga hindi na makalabas, so it’s nice that I can bring it to them, mas nagiging purposeful ‘yung trabaho ko.”

Bago ang naganap na pangangaroling, nagpapagaling ito mula sa sipon at ubo na may kasamang asthma. Kaya naman masaya sya at itinuring nyang blessing na ang kapartner nya sa ginawa nyang activity ay ang Solmux Advance dahil tinulungan itong iwasan ang paglala ng kanyang ubo. Naka-recover sya kaagad. At sa kabila nga ng pagod ni Ice ng gabing iyon, nakangiti pa rin ito hanggang sa matapos niya ang pangangaroling sa bawat bahay. Aniya, “I am tired but I am happy because it’s all worth it.”

Sa huli, nais niya na gawin ang pangangaroling taun-taon.

vuukle comment

ICE SEGUERRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with