^

PSN Showbiz

Vina, pinakita ang tunay na ugali!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Vina, pinakita ang tunay na ugali!
Vina
STAR/ File

Masayang-masaya si Vina Morales sa kanyang buhay pag-ibig ngayon.

Naibahagi na ng singer-actress sa publiko sa pamamagitan ng Instagram ang mga larawan nila ng kasintahang si Andrew Kovalcin noong isang buwan. “I am happy. My Christmas is full of love. All these years kasi I wasn’t vocal about my personal life. Maybe it was the right time na nag-post ako. Ang daming nagtatanong and everyone is happy. Kasi how I also met him 22 years ago. Hindi natin alam, wala naman akong control over my life. Kung saan na lang ako dadalhin pagdating sa personal life ko, sa lovelife ko. Susunod na lang ako kasi ayaw ko nang ipilit ‘yung hindi pwede. Gawain ko ‘yan no’ng kabataan eh, pinipilit ‘yung hindi naman para sa akin. And I realized whatever God takes me sa buhay pag-ibig, doon ako. Susunod ako sa Kanya kasi ayaw ko nang patagalin pa. Gusto ko ‘yung sa Kanya manggagaling para tuluy-tuloy na,” makahulugang pahayag ni Vina.

Bukod sa Instagram ay aktibo rin ang singer-actress sa paggawa ng sariling content sa TikTok. Para kay Vina ay ipinapakita lamang niya sa kanyang 1.5 million followers ang kanyang tunay na ugali. “Kasi ‘yon lang ang platform ko na gusto kong i-share sa kanila kung wala man akong show. Doon ko napapakita ‘yung being me. Wala lang, minsan nangungulit ako sa kanila. Kumakanta ako, sumasayaw ako, nagbibisaya ako so tuwang-tuwa naman ‘yung mga Bisaya. Kung ano ‘yung nakikita n’yo sa TikTok ko, ako ‘yon. Nangungulit ako minsan kaya pasensya na. Kaya sabi ko for fun only. Thankful naman ako na sinusuportahan nila ‘yung TikTok ko,” paglalahad niya.

Samantala, magiging special guest si Vina sa David Pomeranz Coming Home 40th Anniversary Concert Tour. Gaganapin ito Newport Performing Arts Theater ng Newport World Resorts sa Dec. 8. Ang international singer pa raw mismo ang tumawag kay Vina upang maging panauhin sa naturang concert.  “I am grateful na napasama ako sa isa sa mga guest ni David Pomeranz. Nagkaroon kami ng back-to-back concert abroad for this year, in San Jose and L.A. Then he called me personally and he asked me kung pwede ako mag-guest, of course, siyempre. Kasi I became good friends with him. Napakabait na tao, napaka-down to earth. Ewan ko lang po kung mako-convince ko ulit siya na sumayaw, or makipag-TikTok with me. Looking forward ako sa concert niya and pasasayawin ko siya,” pagtatapos ng singer-actress.

Jona, babalik na sa akting

Noong Martes ay pumirma ng kontrata si Jona sa Viva Artists Agency. Malaki ang pasasalamat ng singer dahil maraming proyekto ang nakatakdang gawin sa mga susunod na taon. “Iba po ‘yung pakiramdam. Parang nao-overwhelm po ako na, ‘Ah, this is really happening.’

“Very thankful po ako and I’m excited sa mga gagawin ko dito sa Viva Artists Agency. Aside sa singing which is 18 years ko na pong ginagawa, gusto ko pong mag-venture ulit into acting. Parang nanumbalik po ‘yung interest ko sa pag-express ko sa sarili through acting. Hopefully, sa music side naman po, contributing vocals sa recording, sana in the future makapag-produce din po ako and makapagsulat ng sariling kanta. Pagdating naman po sa digital aspect, sana mas maging active and mai-open ko pa ‘yung personal life ko po sa mga fans. And of course sa concert scene din po, maging active po ulit,” pagdedetalye ni Jona.

Matatandaang unang sumabak sa pag-arte ng singer noong 2005. Huli namang naranasan ni Jona na maging artista sa pelikulang Cattleya: An OFW Story noong 2014. “Last acting assignment ko po with Glaiza de Castro. May ginawa kaming indie film, Cattleya na shinoot po namin sa Hong Kong. Pinakaunang acting stints was GMA, kakapanalo ko pa lang no’n sa Pinoy Pop Superstar. Pinasabak nila ako sa acting kasama si Nadine Samonte, My Guardian Abby. Hanggang sa naging mag-partner po kami ni Gerald Santos sa I Love New York ni Ate Jolens (Jolina Magdangal) at Kuya Marvin (Agustin). It was really a good experience po,” kwento ng dalaga.

Kahit nasa pangangalaga na ng Viva ay mananatili pa ring Kapamilya si Jona. “I’m still Kapamilya pa rin po. Kasi may mga ginagawa pa tayong programs like ASAP and It’s Showtime. Kumbaga nagdagdag lang po ako ng bagong ma­nagement ngayon,” paglilinaw ng singer.

(Reports from JCC)

vuukle comment

VINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with