^

PSN Showbiz

Francine, may gagawing kanta sa Korea

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Francine, may gagawing kanta sa Korea
Francine Diaz

Nakatakdang mag-record ni Francine Diaz ng isang kanta sa South Korea.

Makakatrabaho ng aktres ang isang Korean artist para sa bagong international project. “Para siyang English version ng isang Korean song. Pero ‘yon pa lang po ang pwede kong sabihin. Pero parang mag-i-start po kami siguro this month or next month. Baka po gawin namin ang shoot (ng music video) is isa sa Korea and then isa sa Pilipinas,” pagbabahagi ni Francine.

Masayang-masaya ang aktres dahil iba’t ibang proyekto kanyang mga nagagawa ngayon. Nagkaroon ng collaboration sina Francine, KD Estrada, Jed Madela at ang Inspire Music Head na si Jamie Rivera para sa kantang Faith, Hope and Love. Bukod sa pag-arte ay naranasan na rin ni Francine ang pagiging isang TV host sa It’s Your Lucky Day na napanood kamakailan. “Actually ‘yon nga rin po ang gusto kong malaman. Kasi ako po bilang hindi po ako host ay na-enjoy ko po talaga ‘yon. Kasi natutuwa ako sa mga kasama ko. Masaya ako, payapa ang loob ko kapag kasama ko sila. Para po kasi sa akin kapag nagtatrabaho ako ‘yun po ang importante, ‘yung nai-enjoy ko at payapa ang loob ko,” makahulugang paliwanag ng dalaga.

LA, pinag-aralan ang utak ng mga may autism

Simula Nov. 29 ay mapapanood na sa mga sinehan ang pelikulang In His Mother’s Eyes na pinagbibidahan nina Maricel Soriano, Roderick Paulate at LA Santos. Bilang paghahanda sa karakter ni Kim ay talagang bumisita raw muna si LA sa mga taong mayroong autism. “Inalam ko po kung paano ‘yung buhay nila. Inalam ko po kung paano ‘yung utak nila, which is for me mas nakita ko kung paano. Grabe ka-pure ‘yung puso nila. Mas grabe sila mag-emphatize kaysa sa atin. Kaya doon po ako thankful sa movie na ‘to dahil mas naging aware ako,” nakangiting kwento ni LA.

Kabilang din sa naturang proyekto si Ruby Ruiz. Ayon kay LA ay talagang tinuruan siya ng aktres upang mas maging maayos ang trabaho habang ginagawa ang pelikula. “Sa totoo lang po sobrang nakatulong si Tita Ruby, ‘yung tinuro niya lang sa akin naman maging isang totoo na aktor po, na ilabas ko kung ano ang nasa puso ko talaga,” paglalahad niya.

Samantala, sobrang malapit daw si LA sa kanyang inang si Florita Santos sa totoong buhay. Para sa binata malaking bahagi ng kanyang pagkatao ang pagiging ‘Mama’s boy.’ “Sobra, ‘di lang aminado. Sa totoo lang para sa akin, mas nakakapogi nga ‘yon eh, ‘yung mama’s boy. Kasi po ‘yung mga mama’s boy, ‘yung mga sweet lover. ‘Yan kasi ‘yung pinalaki nang ayos at saka ‘yan po ‘yung tinuruan paano mag­respeto ng babae,” paliwanag ng baguhang aktor. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTRESS

FRANCINE DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with