^

PSN Showbiz

Jane, maligaya ‘girls’ love nila ni Janella

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Jane, maligaya �girls� love nila ni Janella
Jane De Leon at Janella Salvador

Magiging busy sa ‘girls love’ sina Janella Salvador at Jane De Leon.

Sa isang social media post nga ay sinabi ni Janella na excited na siya maka-trabaho si Jane, na biro niya ay “hindi niya kilala.”

“Excited to work on this new film with Ms. Susan Africa and [hindi ko kilala],” chika ni Janella sa isang photo kasama ang dalawang aktres na makakatrabaho niya sa pelikulang How to be a Good Wife.

Cropped si Jane sa nasabing photo.

“chareng SO HAPPY TO WORK WITH YOU AGAIN MWAH @Imjanedeleon #HowToBeAGoodWife,” dagdag uli ni Janella nang ipakita ang larawan nilang dalawa ni Jane.

Maraming kinilig sa interaction ng dalawang aktres at sinabing hinihintay nila na maglandian sila na animo’y may relasyon.

Kaya naman napapaisip talaga ang marami, baka member na sila ng LGBTQ.

Para kay Jane walang problema kung binibigyan ng malisya ang friendship nila ni Janella na unang lumawak nung nagkatrabaho sila sa Darna.

In fact, natutuwa nga raw siya sa mainit na pagtanggap ng fans kahit marami rin ang nagmamalisya.

 “Grabe ‘yung suporta talaga ng mga fans namin, it’s crazy,” sabi niya sa mediacon ng Shake, Rattle & Roll Extreme kahapon kung saan isa siya sa mga bida sa episode na Rage.

Kaya naman mahal daw nila ang fans na tanggap sila ni Janella.

“Sobrang mahal na mahal namin ‘yung mga ‘yun. Kaligayahan namin kasi ‘yung fans kasi namin ni Jea (Janella), sobrang natural like nakikipagbardagulan kami, ‘yung interactions namin with them, siguro kaya minahal kami sa ganu’n,” pahayag niya pa sa mga nag-interview kahapon.

At kahit nga medyo nagmamalisya na ang marami, walang problema sa kanya. “Yeah, that’s okay kasi it’s all about ano naman, eh, parang pina-fantasize kami. Na magkaroon ng fantasy sa world nila, it’s okay. We support them naman.

       “Kasi kami naman din, if my idol ako outside Philippines or Philippines, ‘yun ‘yung normal na nai-imagine ko if may gusto akong mag-pair or mag-loveteam, why not, ‘di ba? So, ibinibigay namin ‘yun. ‘Yun ‘yung kaligayahan nila, eh.”

 Samantala, nakakahinayang na hindi nakapasok sa Metro Manila Film Festival ang pelikulang Shake, Rattle and Roll Extreme, ang longest running epic horror film series.

Star studded ang pelikula na pinagbibidahan din nina Iza Calzado, RK Bagatsing, Jane Oineza among others kasama ang ibang mga kilalang vlogger.

Meron itong tatlong episodes – Glitch, Rage and Mukbang. Ang tatlong episode ay dinirek ni Richard Somes, Joey de Guzman and Jerrold Tarog.

At 10 years na pala ang nakakaraan since the last Shake, Rattle & Roll shown in cinemas.

Kaya naman excited ang producer nitong si Ms. Roselle Monteverde.

Kumbaga nakatatak na sana tuwing Pasko ang pelikula.

Pero naka-move on na sina Ms. Roselle at pakiramdam nga nila ay blessing in disguise ang nangyari.

 Showing na ito sa mga sinehan nationwide ngayong November 29.

vuukle comment

ACTRESS

JANE DE LEON

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with