^

PSN Showbiz

Franseth, Alexa, at iba pang star magic artists may pamasko agad

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Franseth, Alexa, at iba pang star magic artists may pamasko agad
Seth Fedelin, Francine Diaz at Raven Rigor

Isang maagang Pamasko ang hatid nina Francine Diaz, Seth Fedelin, Alexa Ilacad, at iba pang Star Magic artists para makapagbigay saya at pagmamahal sa piling mga benepisyaryo.

Bahagi ito ng Share the Magic campaign ng talent arm ng ABS-CBN kung saan layunin nitong tulungan ang ilang charity at benepisyaryo ngayong Christmas season.

Bumisita ang Fractured stars na sina Francine, Seth, at Raven Rigor sa Ephesus: Home for Girls.  At naging emosyonal si Francine pagkatapos nilang makipag-bonding sa mga bata at marinig ang kani-kanilang mga kwento. “We want to share the love, especially sa mga bata. Ayokong mawala sa kanila ‘yung Christmas feeling. Kasi kapag lumalaki ka na, parang nawawala ‘yung excitement na magpa-Pasko na,” kwento ni Francine.

Naghatid din si Alexa, kasama ang mga komedyanteng sina Eric Nicolas at Nonong Ballinan, ng saya at pag-asa para sa Laban Lungs: A Benefit Concert for Sherwin Buenvenida.” Si Sherwin ay dating head writer ng ABS-CBN na kasalukuyang nakikipaglaban sa sakit na cancer.

 “I can’t imagine what kuya Sherwin went through, what his family went through. I hope you know that I’m here. We’re going to do everything we can to help,” sabi ni Alexa.

Tuloy-tuloy naman ang spirit of giving ng Star Magic dahil mapapanood ang iba pang Share the Magic videos tampok ang iba pang mga artista sa mga susunod na linggo.

Samantala, may reunion ulit sila para magbigay saya at magpasalamat sa paparating na Pasko para sa Star Magical Christmas.

Maaari itong i-livestream sa YouTube channel ng Star Magic sa Nobyembre 19 (Linggo) ng 6 PM (Manila Time).

vuukle comment

FRANCINE DIAZ

SETH FEDELIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with