^

PSN Showbiz

Facts Talk, lalabanan ang fake news

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Facts Talk, lalabanan ang fake news
Facts Talk

Pinalakas ng GMA Integrated News ang kanilang paninindigan laban sa pagkakalat ng fake news o maling impormasyon sa pamamagitan ng makabagong online series nitong Facts Talk.

Habang patuloy na hinahamon ang kredibilidad ng mga online sources, nilalayon ng Facts Talk na labanan ang mga kasinungalingan, at kasabay nito, itaas ang kamalayan at bigyan ang publiko ng tama at mapagkakatiwalaang impormasyon.

Ang programa ay  gumamit ng pre-bunking sa halip na tradisyunal na debunking at fact-checking techniques. Ang layunin nito ay bigyang kapangyarihan ang mga manonood ng kaalaman na kailangan para makagawa ng matalinong mga pagpipilian at bigyang-diin ang kahalagahan ng pagbabantay sa pag-navigate sa mga online space.

“We at GMA Integrated News have always believed that an informed and engaged audience is key to winning the battle against fake news,” said Senior Vice President and Head of GMA Integrated News Oliver Victor B. Amoroso.

Dagdag niya :  “This is why we purposefully chose pre-bunking as our method of combating misinformation, because studies show that it’s more effective to prevent fake news from spreading if we already arm our audience with the facts and critical thinking skills needed to resist misinformation and deceptive narratives.”

Ang nasabing digital show rocketed into screens nang magkaroon ito ng special launch campaign noong Oct. 18. Hosted by Sparkle artists Jillian Ward and Andre Paras, na ang first episode of the six-part series titled Ano ang mga sign na peke ang beauty at medical products? ay siniyasat ang mga panganib ng mga medical scam at nagpapataas ng kamalayan sa kung paano maaaring nagiging mas masipag ang mga manonood sa pagbili ng mga produktong medical, cosmetic and beauty products, especially online.

Gamit ang meme journalism, mahusay na tinatalakay ng Facts Talk ang mga seryoso at mahahalagang paksa sa paraang kaakit-akit sa masang Pilipino at Gen Z.

Ito rin ang latest among the InoculatED digital tools and news products developed by GMA Integrated News Digital Strategy and Innovation Lab (DigiLab).

vuukle comment

HOST

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with