^

PSN Showbiz

Actress, hindi na mapurol ang utak

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

May sense na raw sumagot ngayon sa mga tanong ang isang female young star na maganda ang mukha at makinis ang kutis.

Eh ang boyfriend-actor ni female young star ay galing sa isang Buena familia at halatang edukado ang guy.

Noon kasing medyo baguhan pa sa showbiz si female young star, matipid sumagot at smile parati ang isinusukli sa tanong. Kumbaga, walang masyadong mapiga sa kanya.

Ang balita nga namin, noong nag-aaral pa raw si female young star, medyo mahina ang utak. Ganda at kinis ang puhunan kaya napasok sa showbiz, huh!

At least, may improvement ngayon sa female young star sa pagkatao at malaki tiyak ang naging impluwensiya sa kanya ng boyfie!

Dantes squad pribado ang bakasyon

Mukhang private plane ang sinakyan ng pamilya Dantes sa kanilang katatapos na week-long holiday.

Makikitang sakay ng plane ang mag-asawang Dantes kasama ang mga anak na sina Zia at Sixto. Walang banggit si Yan kung saan ang kanilang destinasyon. Pero isang netizen ang nagkomento na sa Balesin island ang naging getaway ng pamilya na exclusive talaga!

Siyempre, ang magkapatid ang pinakamasayang nilalang sa isla lalo na’t magaling lumangoy si Zia, huh!

Pagbalik sa showbiz, ang 6th anniversary ng kanyang show na Tadhana ang pagtutuunan ng oras ni Marian habang si Dong ay ang Family Feud at iba pang trabaho!

vuukle comment

DINGDONG

MARIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with