^

PSN Showbiz

Mag-asawang John Prats at Isabel Oli, may inamin matapos ang 10 years nilang pagsasama

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawang John Prats at Isabel Oli, may inamin matapos ang 10 years nilang pagsasama
Isabel at John
STAR/ File

No holds barred na harapan at tanungan ang bibida sa Stars on Stars, ang bagong online talk show na walang host na napapanood na ngayon sa Jeepney TV YouTube channel.

Tampok sa pilot episode ng programa ang mag-asawang John Prats at Isabel Oli na kwelang nagbato ng mga nakakaintrigang tanong sa isa’t isa para madis­kubre ang mga bagay-bagay na hindi pa nila alam walong taon pagkatapos nilang ikasal.

“Perfect ‘yung questions na na-prepare. Dahil pagka sa’yo galing parang fee­ling mo dahil matagal na kaming magkasama, almost 10 years, parang kilala-kilala ko na siya. When you ask these certain questions na binigay, oo nga no, gusto ko palang malaman ito about her,” kwento ni John sa kanyang karanasan bilang unang guest sa Stars on Stars.

Samantala, ibinahagi naman ni Isabel ang pinakamahirap na tanong na sinubukan niyang sagutin sa programa. “‘Yung turning point siguro talaga. Kailan ko ba talaga naisip na siya [John] na talaga or na bigyan ko siya ng chance,” aniya tungkol sa  naging turning point sa kanyang buhay na nagpa-realize sa kanya na si John na talaga ang ‘the one.’

Buwan-buwan, magtatampok ang Stars on Stars ng mga artista na makikipag-kwentuhan sa isa’t isa at maglalatag ng mga tanong na nananabik silang masagot.

Ilan sa mga tinalakay nina John at Isabel ang kung paano sila nagkatuluyan, ang naging adjustment nila pagkatapos ikasal, at hiling nila sa hinaharap.

Tinanong din ng Kapamilya actor-director ang kanyang asawa kung may pagsisisi ito sa pagsantabi ng kanyang karera sa showbiz para sa pamilya, habang nilinaw naman ni Isabel kung namimiss ba ng kanyang asawa ang maging single at kung chick boy ba talaga siya noong binata pa.

vuukle comment

JEEPNEY TV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with