^

PSN Showbiz

Annette Gozon, nangabog sa pictorial!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Annette Gozon, nangabog sa pictorial!
Leo Espinosa at Ms. Annette Gozon Valdes.

Ang ganda ng pictorial nina Leo Espinosa at Ms. Annette Gozon Valdes.

Talagang very fashionable at napakagandang lumabas ng buong look ni Ms. Annette.

Kaya tiyak na magugulat ang lahat paglabas ng feature ng isang magazine kay Ms. Annette.

Excited na nga akong mabasa at makita ang buong pictorial nina Leo at Ms. Annette.

Gorgeous talaga si Ms. Annette sa kinalabasan ng photo shoot. Ngayon pa lang excited na si Leo kaya abangan natin ang paglabas ng magazine at kung sino ang mga kasama ni Ms. Annette Gozon Valdes sa cover. Bongga.

Camille, natunaw ang puso sa sagot ng anak

Natunaw ang puso ng aktres na si Camille Prats sa usapan nila ng daughter niyang si Nala. Ibinahagi niya ito sa kanyang social media account kasama ang photos nila.

Sinabi raw sa kanyang ng anak na hindi madali ang maging magulang at nang tinanong niya kung bakit ay ito raw ang sinagot ng anak: “Because you have to use discipline stick when Nolan and I do something that’s not good and then you will be sad… but, you are the best mommy and daddy in the world coz you bring us here.”

Naluha naman ang Kapuso actress sa narinig mula sa anak aniya, “Hearing this from her makes my heart melt. Savoring every magical moment with you guys and looking forward to more adventures with you while we still can.”

Nakakatuwang marinig ang mga ganitong salita sa mga bata. Kaya ‘di nakakapagtaka na naging emosyonal si Camille sa narinig sa anak.

Ang cute talaga ng mother and daughter moments nila.

vuukle comment

ANNETTE GOZON

LEO ESPINOSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with