Chie, mas confident ‘pag walang jowa
Walang kasintahan ngayon si Chie Filomeno. Para sa aktres ay hindi kinakailangang magkaroon ng karelasyon upang maging masaya sa buhay. “I’m enjoying my me time. You don’t need to be in a relationship to be happy. A relationship for me is an investment. ‘Yung gusto ko sa tao na paglalaanan ko, ‘yon na ‘yon. Kasi we’re not getting any younger. So, invest wisely,” pahayag ni Chie sa Cosmopolitan Philippines.
Maraming mga bagay ang natutunan ng aktres mula sa mga nakarelasyon noon.
Sa edad na dalawampu’t anim na taong gulang ay umaasa ang aktres na makikilala na ang kanyang makakasama sa habangbuhay. “Huwag kang maubos, okay lang pagdaanan mo but ‘wag mo ulit-ulitin. Kasi ‘pag naubos ka, hindi ka na maniniwala sa love eh. ‘Di ka maniniwala na may magmamahal sa ‘yo which is meron naman talaga. Siguro there is a reason na napagdaanan mo ‘yon para sa next relationship, para alam mo kung ano gagawin, ano hindi gagawin. In God’s perfect time, you’ll find ‘yung aalagaan mo at aalagaan ka,” makahulugang paglalahad ng dalaga.
Para kay Chie ay malaki rin ang naidulot sa kanya ng pagiging single.
Ayon kay Chie ay mas nagkakaroon siya ng self-confidence kapag wala siyang kasintahan. “With singlehood, just enjoy it. Doon mo rin mahahanap ‘yung confidence mo, ‘pag single ka,” giit ng aktres.
Inah, intimidated sa mga magulang
Aktibo na rin sa show business ang panganay na anak nina Janice de Belen at John Estrada na si Inah de Belen.
Ayon sa dalaga ay nakaalalay lamang palagi ang ina sa lahat ng kanyang mga ginagawa. “My mom kasi ang na-appreciate ko sa kanya is hindi siya sobrang stage mom. Hindi siya, ‘Dapat ganito, dapat ganyan.’ She’s very, very supportive also and she just lets me do my thing. ‘Pag may problem ako, ‘pag alam niyang I need her help, do’n lang talaga siya lalapit or do’n lang talaga siya magbibigay ng advice. Kasi she wants me to not just be under her showdown lang. She wants me to be my own person,” pagbabagi ni Inah.
Kilalang magaling na artista ang mga magulang ni Inah. Gabi-gabing napapanood ngayon si John sa FPJ’s Batang Quiapo habang si Janice naman ay kabilang sa Dirty Linen. Aminado si Inah na talagang si Janice ang nagsisilbing inspirasyon sa kanya bilang isang aktres. “Of course, kasi halos lahat ng mga nagawa ko na TV shows, more on the drama side talaga. Pero siyempre as an actress I want to grow, I want to do more challenging roles. I actually want to do more kontrabida roles. So I want to be like both of them. Pero siyempre I want to challenge myself talaga as an actress,” giit niya.
Maging ang nakababatang kapatid na si Kaila Estrada ay kay Inah rin umano humihingi ng tips pagdating sa pag-arte.
Matatandaang nakabilang noong isang taon si Kaila sa Viral Scandal na pinagbidahan ni Charlie Dizon. “I think my sister’s first taping day for Viral Scandal, tinawagan niya talaga ako. Her first scene was actually a heavy scene already. Parang morning pa lang tinawagan na niya ako, ‘Ate, tulungan mo ako,’ ganyan. I just gave her advice and actually I appreciate it. Kasi sabi ko nga sa kanya, at least you’re scared to ask mom or dad about some things. Kahit ako I don’t ask my mom or my dad for advice kasi nakaka-intimidate kasi ang gagaling nila. It helps her also. Sabi ko if she needs anything just call me,” pagbabalik-tanaw ni Inah. (Reports from JCC)
- Latest