^

PSN Showbiz

Aktor/director Ricky Rivero, namatay na!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Aktor/director Ricky Rivero, namatay na!
Ricky
STAR/ File

Gumulantang sa amin ang balita pagkagising kahapon na yumao na raw ang direktor na si Ricky Rivero. Ang daming nakiramay, puro rest in peace, pero walang kumpirmasyon kung totoo nga ba, wala ring makapagsabi kung anong nangyari. Kamakailan lamang narinig naming nasa ospital siya. Marami na ring sakit si Ricky, masyado kasi siyang tumaba. Na-stroke na rin siya, tapos ang sabi niya sa amin diabetic din siya.

Si Ricky ay isa sa nakita namin nang nagsisimula sa kanyang career. Una siyang nakasama sa pelikulang Ninja Kids, isang action comedy film ng VIva. Nakasama rin si Ricky sa That’s Entertainment ni Kuya Germs (German Moreno). Pero hindi gaanong umangat ang kanyang popularidad, parang noon ay hindi siya interesado sa acting. Iyon pala ay mas gusto niya ang trabaho sa likod ng camera.

Dinaanan naman niya ang lahat ng trabaho sa likod ng camera, naging production manager siya, location director at kung anu-ano pa, hanggang sa mabigyan nga ng break na maging isang direktor sa telebis­yon. Kaso bumagal naman ang takbo ng career niya dahil nawala ng franchise ang ABS-CBN.

Marami na ring peligrong nalusutan si Ricky. Bukod sa nangyari sa kanyang stroke, nasaksak pa siya nang 10 ulit ng isang pinagmagandahan niya ng loob na pinatulog sa kanyang bahay. Sampung saksak ang ginawa sa kanya pero sa awa ng ng Diyos, nabuhay siya.

Minsan may nakita kaming post niya sa social media na nagsabing nasa ospital pa rin siya, hindi siya makalakad, at hindi rin gaanong makakita, mukhang iyan ay palatandaan lang na malala ang kanyang diabetes. Pero ilang panahon na rin naman iyan kaya ang paniwala namin ay naka-recover siya mula roon.

Wala pa kaming nakukuhang ibang detalye sa pagyao ni Ricky.

Ipanalangin na lang natin ang kanyang kaluluwa.

Claudine, walang karapatang kasuhan si Sabrina?!

Nainis at gusto raw magsampa ng demanda ni Claudine Barretto laban kay Sabrina M, matapos na ipangalandakan noon at dalawang taon daw silang naging mag-syota ng aktor na si Rico Yan, at ang sinabi niyang alam ni Claudine ang pagi­ging mag-syota nila ni Rico. Pumasok naman daw siya noong break na ang dalawa. Nainis naman si Claudine kung bakit kailangan pang gamitin si Rico ganoong mahigiit na dalawang dekada na iyong namayapa, at nadamay pa pati siya dahil sinasabing alam niya ang lahat.

Kung natatandaan pa ninyo, si Claudine ang sinisi noong sa kamatayan ni Rico, may nagsasabi kasing labis ang naging depression ni Rico nang mag-split silang dalawa ni Claudine. Sinasabi pa ni Sabrina na alam ng pamilya ni Rico ng naging relasyon nila. Katunayan binigyan pa raw siya ng bulaklak ni Bobby Yan para ihagis sa libingan ni Rico bago iyon tuluyang ilibing. Pero may sources na nagsasabing hindi totoo iyon. Sinasabi ng kapatid na babae ni Rico na si Tina na hindi raw niya narinig minsan man ang panga­lan ni Sabrina, na imposible kung tooong naging syota iyon ni Rico dahil close sila.

Ang kaibigan mismo ni Sabrina na si Katrina Paula ay nagsabing: “baka nagkatikiman lang sila pero relasyon wala.” Ang masakit wala na nga si Rico para linawin o pasinungalingan ang sinasabi ni Sabrina.

Samantala matigas si Sabrina sa pagsasabing hindi siya hihingi ng apolo­gy dahil totoo naman ang sinasabi niya. May nagtatanog din kung bakit nga ba magdedemanda si Claudine, sinabi lang naman na alam niya ang lahat. Hindi naman dahil sa nakakasira ng mga sinasabi ni Sabrina kay Rico Yan, dahil kung ganoon man, bakit si Claudine ang magsasampa ng demanda eh hindi naman siya asawa ni Rico? Magulo iyan, bahala na sila kung ano ang gagawin nilang kasunod.

Direktor na madalas mabudol, pinagsawaan ang Tiktoker

Wala talagang kadala-dala si direk. Noong isang araw ay pinadalhan na naman niya ng kung ilang libo ang isang pogi na hindi naman niya kilala, kundi nakita lang sa social media. Kinausap niya sa chat at hiningan siya ng tulong. Nagbigay naman agad si direk dahil iba ang kanyang intention, baka sakaling “mas makilala niya si pogi.” Maraming beses na ring nabudol si direk sa ganyan na matapos siyang mahingan ng pera, blocked na siya.

Pero umaasa pa rin siya. Ang katuwiran niya, “Hindi ba minsan akala ng lahat nabudol na ‘ko ni TikToker, pero dumating ang panahon na bumigay rin at nagawa ko lahat ng gusto ko hanggang sa magsawa na rin ako sa kanya?”

Kung sa bagay totoo naman iyon dahil may ebidensiya siya. Pero mas madalas kaysa sa hindi nabubudol siya.

vuukle comment

RICKY RIVERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with