^

PSN Showbiz

Gusto nang magdemanda... Anjo, nagmamakaawa na sa paniningil sa Bulaga!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Gusto nang magdemanda... Anjo, nagmamakaawa na sa paniningil sa Bulaga!
Anjo

Naiinggit si Anjo Yllana nang nabalitaan niyang nabayaran na sina Vic Sotto at Joey de Leon ng pagkakautang sa kanila ng Eat Bulaga.

Muli naming nakapanayam sa DZRH ang dating Dabarkad at doon niya inilahad lahat na hindi pa rin pala siya fully paid ng delayed talent fees.

Ayaw niyang sabihin kung magkano ang halaga, pero ang tantiya raw niya mga five to seven months pa ang dapat na sisingilin niya.

Nung una raw ay ayaw maniwala ng pamilya niya na wala siyang natatanggap na suweldo.
Hanggang sa ang dati niyang asawang si Jacqui Manzano ang nangahas na raw na naningil.

Ani Anjo, “Ang huling sumingil si Jacqui, ang nanay ng mga anak ko. Kasi ayaw niyang maniwala sa akin na pito, walong buwan na akong hindi nagsusuweldo, sabi ko wala, wala.

“Siyempre inaaway na ako. Ibig sabihin nagtatrabaho ka, wala ka namang suweldo. Sabi ko, oo.

“Anyway, sabi niya, kaibigan ko si Bullet (Mayor Bullet Jalosjos). Sabi ko hindi ko alam kung may alam si Bullet diyan. Pero sabi ko, total sa inyo naman mapupunta ‘yung sisingilin ko, e okay lang. Pero sinasabi ko sa ‘yo, walang gumagawa niyan sa TAPE na nagsusumbong ako kahit kanino.

“Winarningan ko naman siya. Pero gusto ko na rin ano, baka sakali.

“So, eto na sinabi niya kay Bullet. Sabi raw ni Bullet, I’ll check on it bakit hindi siya binabayaran.”

Kagaya ng kaso ng kina Vic Sotto at Joey de Leon na kuwento ng dating Sen. Tito Sotto, hindi pa raw naibigay ang suweldo, pero nakaltas na ang VAT nito.

“Sabi sa akin ng asawa ko dati, nagalit na naman. Sabi ni Bullet, nakalagay dun bayad ka na… ganyan-ganyan. May VAT na ganyan-ganyan.

“Anyway, e di siyempre sinungaling na naman ako. This is precisely ‘yung sinasabi ni Tito Sen na bakit sa BIR declared na ‘yung VAT, ibig sabihin bayad na.

“Kung hindi lumabas ‘yung sinabi ni Tito Sen at ni Pareng Vic, walang maniniwala sa akin na may utang pa sa akin,” dagdag na pahayag ni Anjo.

Nung nag-pandemic, sinimulan na raw siyang bayaran, na may pumapasok na sa bank account niya. Pero nung nagka-show na siya sa Net 25, hindi na raw itinuloy ang bayad sa kanya.

“Ngayon, pagdating ng pandemic, hiningi ‘yung mga savings account namin.

“Una, may dumating na parang 200K plus. So, at least tama pandemic.

“Tapos paunti-unti na ‘yun, kada kinsenas, minsan wala pa. Maliliit na ‘yun, mga 30, minsan 20. Patak-patak na. Hindi abot sa total na kulang sa akin.

“Kaya tinanggap ko naman ‘yung sa Net 25, kasi ang sabi sa akin ni Mr. T, nag-zoom meeting kami, mga two years pa raw bago kami mag-normal. Ever since, wala nang patak na dumadating sa akin. Natigil ‘yun.”

Ngayon lang nagsalita si Anjo dahil nagsalita na sina Tito Sen at Bossing Vic, lalo na’t nabayaran na sila, baka puwede naman daw siya naman.

Kung talagang wala silang ibabayad sa akin, at walang pera? ang sinasabi kasi sa akin, walang pera sa loob. Walang laman ‘yung opisina.

“Ang sa akin naman, kung talagang wala, sabi nga ni Bossing, sige e di wala. E meron na nga ngayon. Baka sakali lang naman. Baka sakali. Pero kung talagang, ayaw e di kausapin ko na ‘yung abogado,” natatawa at pabiro niyang pahayag.

“E mga boss ko na ‘yung mga nagsalita. Ako naman, nagbakasali lang ako na makuha ko ‘yung karapat-dapat akin.

“Pangalawa, 20 years na ako dun, baka naman may konting compensation. Kasi, mula Lunes, hanggang Linggo nagpapakamatay ako diyan sa show,” sabi pa ni Anjo Yllana.

Sinusubukan pa naming hingan ng pahayag ang mga taga-TAPE, Inc. para sa kanilang panig.

Sylvia at Maine, nagpurihan

Ang daming celebrity na dumalo sa black carpet premiere ng series na Cattleya Killer na mapapanood na sa Prime Video simula June 1.

Bida sa seryeng ito si Arjo Atayde kasama sina Christopher de Leon, Zsa Zsa Padilla, Jake Cuenca, Ria Atayde, Ricky Davao, Noni Buencamino at Jane Oineza.

Nakakatuwa dahil ang suportado ito ng mga kaibigan nila sa showbiz gaya nina Jericho Rosales, Gerald Anderson, Ice Seguerra, Liza Diño, Jameson Blake, Bayani Agbayani, JK Labajo, direk Chito Roño, at siyempre si Maine Mendoza.

Nakunan pa na magkasama sina Sylvia at Maine. Proud na proud si Maine sa magaling na performance ni Arjo, at sinabi niyang mas proud siyempre ang Mommy na si Sylvia. “Hindi… basta magaling ang mapapangasawa mong umarte,” hirit ni Sylvia kay Maine.

“Mahusay po kayong lahat. Kanino pa ba magmamana,” sabi naman ni Maine sa magiging mother-in-law niya.

vuukle comment

ANJO YLLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with