^

PSN Showbiz

‘Habulin ng intriga…’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
�Habulin ng intriga��
Mother Lily

Banned. Cancelled. Expelled.

Grabe, ha, lahat iyan naranasan ko in my lifetime, hah hah. Kaloka pero inabot pa rin ako ng 76 na lumalaban at nakatayo pa rin.

Totoo pala ‘yung kasabihang importante lang merong isa naniniwala sa iyo, winner ka na.

Mula pa noong pumasok ako sa showbiz, isa na akong controversial figure.

At sina Douglas Quijano at Bibsy Carballo ang mga nagtanggol sa akin.

At dahil nga siguro wala akong takot, hitsurang ipinapa-cancel o banned ako, tuluy-tuloy lang ang trabaho ko.

Kung mahina ang loob ko, siguro umpisa pa lang huminto na ako. Pero nang pumasok si Mother Lily Monteverde at kinuha akong isa sa mga PR kasama si Douglas, hayun na, unti-unti na tinatanggap ako.

Kailangan talaga matibay ang loob mo, at meron kang mga tao na may paniniwala sa iyo.

Hindi mo kakayanin ang intriga nang mag-isa ka lang, manghihina pa rin ang loob mo.

Pero looking back talaga yata isa akong tao na habulin ng intriga.

Surprised nga na umabot ako ng 76 na nasa showbiz pa rin ako dahil mula umpisa hanggang ngayon meron pa ring gusto na dumapa ako. Talagang hindi pa rin sila nagsawa, pero heto, dahil din sa mga nagmamahal sa akin, nakatayo at Lolit Solis pa rin.

Sorry to disappoint all those fat people wanting to put me down. Expelled at the age of 76 grabe ha, parang very elementary ang dating.

Pero very grateful ako talaga dahil hanggang ngayon meron pa ring mga nagmamahal sa akin.

You set your own standard of living, kung saan ka maligaya at comfortable, doon ka. Sa aking small circle of friends happy na ako, hindi ko kailangan ang marami pero plastic.

Kaloka sila, magdusa sila sa mga pag-iisip ng kanegahan sa kanilang kapwa.

Tiyak hindi sila masaya sa buhay kaya ganun sila.

Bad for you health ang pag-iisip ng masama sa kapwa. Mas bongga na maging masaya at ‘wag maging vindictive.

vuukle comment

MOTHER LILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with