^

PSN Showbiz

Winwyn, matindi ang insecurities dahil sa inang si Alma

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Winwyn, matindi ang insecurities dahil sa inang si Alma
Winwyn Marquez

Nagbigay ng reaksyon sa amin sa Fast Talk with Boy Abunda si Winwyn Marquez tungkol na naging pahayag ni Alden Richards kamakailan.

Nabanggit ng aktor sa amin ding panayam na muntikan na niyang ligawan si Winwyn noon. “Hindi ko kasi alam kung nanligaw ba talaga siya. I don’t know kung may misunderstanding or anything. Kasi he’s really kind, malambing, mabait siya. I feel like he’s like that to everyone. Sobrang bait kasi niya. We can talk anything under the sun. So I just felt like he was really a good friend. I’m so proud of him, I’m so proud of his success. We remain good friends,” nakangiting pahayag ni Winwyn.

Samantala, mag-iisang taon na ang anak ng beauty queen-actress na si Luna. Nakaranas umano ng depresyon si Winwyn pagkatapos manganak noong isang taon. “The first four months, I think I experienced postpartum depression. I felt like I’m a failure kasi ang hirap. ‘Yung tatayo ka, pipilitin mo, you really have to sacrifice kasi you have no other choice. The fear of uncertainty as a first time mom. Pero kapag nakikita ko siya, I step back to reality that I have to take care of myself because I have to take care of her. Dahil ayoko siya magkasakit, lahat. ‘Yung fear na ‘yon bumabalot sa akin. Hanggang ngayon hirap akong iwan siya because I’m really hands-on. But I have to go back to work ‘coz I also have to be okay,” pagbabahagi ng anak nina Alma Moreno at Joey Marquez.

Bilang isa nang ganap na ina ay naikwento rin ni Winwyn kung ano ang naging karanasan niya noon.

Madalas daw kasing naikukumpara ang itsura ng aktres sa ina dahil sa kakaibang ganda noon ni Alma.  “It was so hard. Feeling ko doon nagsimula ang insecurities ko with how I look. Kasi ang ganda-ganda ng nanay ko, my mom is different. Pero laging, ‘Bakit hindi mo kamukha ang nanay mo? Bakit hindi ka mestiza?’ I doubted myself growing up eh,” pagtatapat ng beauty queen-actress.

Marco, nag-aalala para sa tatay ni Andrei

Kamakailan ay namatay ang apo ni Marco Sison na si Andrei Sison dahil sa isang vehicular accident. Hanggang ngayon ay halos hindi pa rin makapaniwala ang singer sa sinapit ng baguhang aktor. “Everything happens for a reason. Ano ‘yon? That I have to find out. Hihintayin ko ‘yon in the coming days, months or years kung ano ‘yon,” makahulugang pahayag ni Marco.

Inalala ng sikat na OPM balladeer kung paano ang naging samahan nila ng apo. “Minsan lang kami magkita pero masaya kami. Nagkakaintindihan kami lahat. Tapos walang inggitan. Bawal sa amin ‘yon. Sobrang bait no’n walang bisyo. No’ng pandemic days kahit bumili ng candy sa tindahan, hindi siya lumalabas. So ‘pag sinabi ng tatay niya, ‘Huwag na,’ hindi siya umaalis,” kwento ng singer.

Sa ngayon ay nag-aalala naman si Marco para sa anak na si Alain Marco Salvador na siyang ama ng namayapang aktor. Ramdam na ramdam ng singer ang pagdadalamhati ng kanyang anak. “Mas worried ako do’n sa anak ko actually. Nitong Holy Week tinawagan ko siya. Kinamusta ko, medyo okay na siyang magsalita. Clear ‘yung voice niya. Unlike before during the wake, talagang lutang na lutang. Parang hindi ka kilala. Kasi it’s not a normal thing. Siyempre, the parent usually moves on first, not a kid ‘di ba,” pagbabahagi ni Marco. (Reports from JCC)

vuukle comment

WINWYN MARQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with