^

PSN Showbiz

Richard at Sarah, malabong magka-baby sa car camping

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Richard at Sarah, malabong magka-baby sa car camping
Richard at Sarah
STAR/ File

Ang ganda ng mga pictorial nina Richard Gomez and Sarah Lahbati habang nasa car camping sa Mountain Province.

Mahilig silang mag-car camping sa magagan­dang lugar.

“Cold air, warm fire and good company is all we need. I’ve been looking forward to this moment of slowing down and being in nature with my tribe,” post ni Richard days ago.

Parang ito ‘yung mga eksena na napapanood lang sa mga Koreanovela.

Of course, parang hindi ‘yun pwede sa ordinary folks. Baka ibang version, keri ‘yun.

Anyway, tuwing nagkakaroon ng oras si Richard at pahinga sa taping ng The Iron Heart, favorite thing nila na mag-anak, kasama ang dalawang anak Zion and Kai, ang car camping.

Baby girl ang wish ni Sarah na next baby nila ng mister na action star na malabo sigurong mabuo sa car camping dahil kasama ang dalawa nilang anak.

Kasi kung boy ulit, baka magpakalbo na raw siya aniya sa huling interview namin kay Sarah. “Hopefully it’s a girl. And hopefully next year. But you know, kidding aside, as long as they’re healthy, no problem.”

Pero nabanggit doon ni Sarah na sa ngayon ay ayaw pa niyang mabuntis.

Mas gusto muna niyang mag-alaga sa dalawang anak. “When you’re a mom, you’re always busy. Ang daming kailangan gawin with two boys. Laging busy, I’m running around. Nakakapayat, ­I guess. Hahahaha!” banggit niya sa last interview namin.

Pagkatapos ng nasabing camping nila sa Mountain province ay bumiyahe na ang mag-asawa sa Spain.

Samantala, spea­king of The Iron Heart, hindi natitinag at lalong lumalakas ang suporta ng manonood dito sa mataas nitong concurrent views at trending episodes kaya naman malaki ang pasasalamat ng lead stars ng hit action serye na sina Richard at Jake Cuenca at pinapangako nilang mas titindi pa ang world-class action scenes na mapapanood ng viewers.

Kasama ni Richard ang kanilang action direktors na sina Lester Pimentel, Wang Yan Bin pati na ang Team Action 360 para mas lalong mapaganda at maipakita ang high-class fighting scenes ang manonood. “Talagang pinapaganda pa namin lalo ‘yung kuwento, at gagawin pa naming mas maaksyon,” sabi niya.

Ang The Iron Heart ay isa lang sa mga dekalibreng action series na nagawa nina Direk Lester, Direk Ace at Team Action 360.

Nagsilbing action director din si Direk Ace sa international movies tulad ng Ah Long PTE LTD at The Lion Men habang si Direk Lester naman ang direktor sa movie na One Good Day.

Naging parte rin si direk Ace ng movies na Godfather Detective, Ah Boys To Men, at The Assassins.

Manghang-mangha nga si Jake sa mga nakunan nitong actions scenes na dapat daw ay hindi palampasin ng manonood.

Aniya,“Buwis buhay and self-sacrifice. Everyone is on the same page na gusto namin galingan until we get this done. Ganun ‘yung mindset namin. I can confidently say na expect world-class action scenes and world-class production. Ito na talaga ‘yung level up,” saad niya.

Mahigit 200,000 live concurrent online views ang natatamo ng The Iron Heart gabi-gabi at nakasungkit din ng all-time high concurrent online views na 283,928 views noong Marso 29 (Miyerkules).

Halos gabi-gabi rin itong nasa trending list sa Twitter.

vuukle comment

SARAH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with