^

PSN Showbiz

Darren, hurado na!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Pinanood ng madlang people ang pinakabagong segment na Isip Bata ng It’s Showtime na nagtop tren­ding sa Twitter noong Lunes (Peb. 20).

Sa bagong segment, 20 madlang isip bata o adult contestants ang huhulaan ang pulso ng 50 ‘madlang kids’ na sumagot sa nasabing tanong.

Gagabayan sila ng mga Batang Cute-po na sina Argus, Kulot, Lucas, at Colynna na sasagot din sa mga tanong.

Sa huli, iisa lang ang tatawid sa jackpot round na Ap-Pair Tayo. Pipili ang contestant ng isang Batang Cute-po at dapat mag-match ang tatlo nilang sagot para manalo ng P50,000. Ang bawat match na sagot ay nagkaka-tumbas ng P10,000. Mauunang sumagot ang contestant samantala ang bata naman ay tatanungin pagkatapos.

Sa unang episode, 20 celebrity moms ang naglaro. Nanaig si Moi Bien ngunit isa lang ang na-match niyang sagot. Nakapag-uwi siya ng P20,000 kasama ang P10,000 na napanalunan niya sa unang round.

Umani naman ng papuri ang bagong segment dahil sa maganda nitong set design at bagong format at nag-trending din ang mga bibong Batang Cute-po.

Samantala, ipinakilala naman si Darren Espanto bilang hurado ng Tawag ng Tanghalan noong Martes (Peb. 21).

vuukle comment

DARREN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with