^

PSN Showbiz

Miles, buo ang tiwala kay Coco

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Miles, buo ang tiwala kay Coco
Miles Ocampo

Pinag-usapan nang husto ang unang linggo ng FPJ’s Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin. Napanood din si Miles Ocampo sa mga unang episode bilang bahagi ng back story ng naturang serye. Nag-trending worldwide ang aktres dahil sa magaling nitong pagganap sa mga eksena. “Malaking pasasalamat po na si Kuya Coco po ‘yung kaeksena ko and siya rin ang direktor at the same time. Parang for a time medyo nalito po ako kung ano po ang itatawag ko. Kung kuya ba or direk,” nakangiting bungad ni Miles.

Hindi raw nakaramdam ng pagkailang si Miles kahit na maselan ang ginawa nilang rape scene ni Coco. “Nando’n po kasi ‘yung alaga at magiging kumportable ka. Kasi ‘pag alam mong inaalagaan ka at alam mong maniniwala sa kung ano ang kaya mong gawin. So you just have to give kung ano ang hinihingi ng direktor mo. Siguro, nag-trust po ako fully kay direk Coco kaya gano’n ang naging resulta ng eksena,” paglalahad ng dalaga.

Ginampanan ni Miles ang karakter ni Marites. Lubos ang pasasalamat ng aktres dahil sa mga papuring natanggap mula sa mga manonood. “Na-excite po ako kasi ang tagal ko nang hindi nag-drama. Siyempre nagkaroon ng pandemic and all and ngayon lang po ulit ako nakabalik dito. So after hearing po all the comments, ang sarap po sa pakiramdam na may nakaka-appreciate pa pala sa akin,” pahayag ng aktres.

Cristine, masaya kahit walang lalake

Kamakailan ay muling pumirma ng eksklusibong kontrata sa Viva si Cristine Reyes. Nakatakdang gumawa ng isang romantic-comedy film ang aktres kasama si Empoy Marquez. Magkakasama rin sina Cristine at Baron Geisler sa isang drama movie. “’Yon matindi, hindi ko alam kung pang-Netflix din ba. Hindi ko na alam pagdating sa mga ganyang detalye. Nakatrabaho ko na si Baron dati sa Eva Fonda. So I think we have a good working relationship,” pagbabahagi ni Cristine.

Dalawang dekada na ngayon ang aktres sa show business. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay nangangarap si Cristine na makagawa ng isang international project. “I do have plans pero hindi po natin pwedeng ipilit ‘yon. Kumbaga siguro timing din and kung ibigay ‘yon sa atin nang kusa. I mean kung may offer, I would love to do an international project. Actually, marami pa akong gustong gawin. Gusto ko rin sana matutong magsulat kasi marami rin akong creative things that I want to put into films as well,” pagtatapat niya.

Samantala, kahit matagal nang hiwalay sa asawang si Ali Khatibi ay masaya naman si Cristine sa pagiging single mom ngayon. Walong taong gulang na ang anak nilang si Amarah. “I don’t even feel I am a single mom because I am happy and contented with my life. Masaya naman ako kahit walang lalake. Mas masaya nga kung puro beki ang kasama,” masayang pagtatapos ng aktres. Reports from JCC

vuukle comment

MILES OCAMPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with