Liza Lorena, walang planong magretiro

Wala sa plano ng batikang aktres na si Liza Lorena na magretiro sa showbiz.
Kahit pa raw naka-wheelchair na pero kailangan pa siya, tatanggap pa rin siya ng trabaho ayon sa leading lady ni Noel Trinidad sa MMFF entry na Family Matters.
Ang showbiz career na rin niya ang tinuturing niyang asawa.
Aminado nga ang ina ni Tonton Gutierrez na hindi siya ikinasal kaya’t asawa na ang turing niya sa kanyang career.
“As long as I can still walk and maybe kahit na naka-wheelchair na ‘ko if I can still ano I can be useful pa rin, I will work. This is my life. This is my husband. I never got married kaya ito ang aking asawa, ang aking trabaho,” aniya sa ginanap na media conference para sa Family Matters last week.
Samantala, may paalala ang batikang aktres sa bagong herasyon ng mga artista upang magtagal sila.
“Maging pleasant sa lahat staff and crew especially. Kasi ‘pag down ang career mo and industry loves you makakabalik ka eh pero kung hindi maganda ugali mo lahat sila gustong mawala ka na.”
Ang ganda ng feedback ng pelikulang Family Matters dahil talagang nakatutok sa kuwento nito sa pamilya.
Dinirek ito ni Nuel Naval at sinulat ni Mel Mendoza-del Rosario ng Cineko Productions.
- Latest

























