^

PSN Showbiz

‘Dialysis, kailangan ng acceptance’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Naku, Salve, talagang hindi ko maintindihan kung bakit tuwing dialysis day ko irritated ako. Kasi nga nagtataka ako bakit ‘yung mga ‘classmates’ ko sa dialysis parang ang saya-saya pero ako irritable.

Siguro nga hindi lang dahil sa mga oras na feeling ko nasasayang kundi siguro hindi ko pa rin matanggap na meron akong ganitong treatment. Pero in fairness sa nakikita ko para namang bumubuti nga ang mga kalagayan nila.

Siguro nga talagang dapat tinatanggap mo na ang anumang kalagayan mo para mas maging madali ang paggaling mo tanggapin mo na lang ang anumang pangyayari. Kung ito ang kalagayan mo, acceptance ang dapat mong ma-feel.

Buti nga at nasa ganitong edad na ako nang magkasakit. All these years, I was so healthy and feeling good. na-enjoy ako sa aking kabataan, at lahat ng gusto kong gawin nagawa ko na.

Ano pa ba ang mahihiling ko?

Dapat thankful ako na heto o, ngayon lang ako nagkasakit at naging mahina. Kaya, Salve at Gorgy, salamat dahil kasama ko kayo sa journey ko, kaya kahit nahirapan akong nakaya ko.

Thank you Lord.

Julie Anne, malaki ang iginanda

Ang ganda-ganda ngayon ni Julie Anne San Jose. Parang blooming at ito ‘yung pinakamaganda siya.

Iba ang aura niya at ningning sa bawat oras na napapanood ko siya sa TV. Ewan ko kung talagang in love ngayon si Julie Anne o talaga lang nag-aayos na siyang mabuti ngayon, pero sa totoo lang ibang-iba ang kanyang awra ngayon.

Kung pinapanood n’yo siya sa Maria Clara at Ibarra talagang makikita mo ang malaki niyang pagbabago.

vuukle comment

DIALYSIS

JULIE ANNE SAN JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with