^

PSN Showbiz

Kate at Kelvin, nagpakilig

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ang cute naman ng kulitan nina Kate Valdez and Kelvin Miranda sa set ng Unica Hija. Ngayon pa lang ay may shippers na sila at binansagan pa sila ng netizens na KateVin.

Nakita ito ng netizens nang ipasilip ni Kate ang behind-the-scenes nila habang nagre-rea­ding at blocking sila kasama ang director. Kita na komportable na ang dalawa sa isa’t isa base sa kanilang kulitan kaya naman kinilig ang fans.

Sila pala ang magiging love interest sa serye kaya excited na ang fans sa mga eksena na magkasama sila. Siguradong aabangan din ng fans ang mga kulitan nila. Bongga.

Herlene, grabe ang pinagdaanan sa Uganda

Grabe naman ang sinapit ni Herlene Budol sa pageant sa Uganda. Matapos nga nitong mag-back out sa pageant, nilantad ng manager niya ang mga naranasan niya sa competition.

Pinakita nito sa vlog ang hirap na pinagdaanan ng mga kandidata kasama si Hipon Girl. Nagre-rehearse ang mga ito sa init ng araw sa isang rooftop. At hindi man lang daw binibigyan ng kahit anong pagkain tuwing break time ang mga kandidata. Kanya-kanyang hanap din ang mga ito ng lugar kung saan sila puwedeng mag-stay.

Bago raw umuwi si Herlene ay may mga nauna nang mag-back out dahil nauubos na ang kanilang panggastos kung hindi pa sila aalis. Meron pa ngang iba sa kanila ang nilantad sa Instagram kung gaano kalaki ang kanilang ginastos pero hindi naman na-reimburse.
Nakakaawa naman pala ang mga kandidata. Sa rami ng preparasyon na kanilang ginawa ay nabalewala lang dahil nabudol pala sila.

vuukle comment

KATE VALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with