^

PSN Showbiz

Pulitiko idoloang sarili, maraming pinangakuan ng loyalty

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kung ang kuwentong umiikot-lumulutang tungkol sa isang kilalang pulitiko ang paniniwalaan ay mukhang tagilid siya sa mataas na posisyong inaasinta niya ngayon.

Kaliwa’t kanan ang kumokontra sa napakalayong hakbang na nilundag niya, kung susumahin ay hindi pa siya hinog, mapakla pa ang kanyang bunga sa pagkahilaw.

Kuwento ng aming source, “Siya pala ang political butterfly na tinatawag ngayon kahit ng mga dati niyang kaal­yado. Palipat-lipat, kung saan nandu’n ang asukal, e, du’n siya makikita, kaya pala langgam din ang tawag sa kanya.

“Marami pala siyang sinaktang kap­wa pulitiko. ‘Yung mga pinangakuan niya ng loyalty, pero bigla siyang lumundag sa ibang partido!” umpisang komento ng aming impormante.

Ambisyoso ang pulitikong ito. Pagiging ambisyoso ang nagtulak sa kanya para magpalundag-lundag sa maraming grupo at partido.

Patuloy ng aming source, “Nagsisimula pa lang siya nu’n sa pagiging public servant, e, palagi na niyang sinasabi na isang araw, titingalain siya ng bansang ito.

“Sabi ng isang co-politician niya, ‘Pare, sa paanong paraan? Nakasabit ka ba sa puno kaya ka titingalain?’ Nagalit siya! Huwag daw siyang minamaliit!

“Huwag daw dapat pagbasihan ang nakaraan niya, ‘yun daw ang inspirasyon niya sa paglilingkod, talaga raw one day, e, ipagmamalaki siya ng Pilipinas sa maaabot niyang tagumpay sa mundo ng pulitika!

“Sobra siyang believe na believe sa sarili niya, idolo niya talaga ang sarili niya, wala siyang paniwala sa ibang kasamahan at kalaban niya!” madiin pang sabi ng aming source.

Dalawang kilalang-kilalang pulitiko ang tumatawag sa kanya ng traydor. Ginamit niya kasi ang mga ito para sa kanyang pangarap pero nilayasan din pagkatapos niyang makuha ang kanyang gusto at kailangan.

“Kapag ganu’n na maraming nagagalit sa kanya at marami siyang bitbit na istoryang hindi kagandahan, e, hindi matutupad ang pangarap niya na isang araw, e, titingalain siya!

“Hindi siya magtatagumpay kahit pa magkalat siya ng datung, kahit pa siraan niya nang siraan ang mga katunggali niya, lawang mangyayari sa mga rappanga niya! Kopangats ‘yun!” natatawang pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Nakikisimpatya kay Kris, nabawasan

Kasabihan nang walang anumang gamot na magpapagaling sa isang problemang hindi kinayang pagalingin ng kaligayahan.

Sa isang Zoom chikahan ng mga kilalang personalidad sa showbiz na kinabibilangan ng mga direktor, scriptwriter at mga artista ay naging paksa si Kris Aquino.

Sila rin ang unang nagkuwentuhan nang ilabas ni Kris ang kanyang mga video at pictures na bagsak na bagsak na ang kanyang timbang at parang pambata na lang ang liit ng kanyang mga braso.

Maganda ang kanilang hiling. Ang sana’y malampasan ni Kris ang kanyang pinagdadaanang kundisyon ngayon. Hindi man sila malapit kay Kris ay umiral pa rin ang pagiging makatao at mapuso nila.

Pero nang mag-post na si Kris ng mga rebe­lasyon tungkol sa kanila ni Mel Sarmiento, nang husgahan na niya bilang manggagamit lang ang pulitiko, ay biglang nagbago ang kanilang pagtingin kay Kris.

Sabi ng isa sa magkakakuwentuhan, “This is unexpected from a person who’s sick and asking for sympathy. If she’s really sick, she should not dwell on things that will work to her advantage and ruin somebody’s image.”

Komento naman ng isa pa sa grupo, “Look for something positive everyday even if some days are harder. Don’t be vindictive. Haaay, naku! Some people talaga don’t understand how blessed they are!”

Kailangang malaman ni Kris na kahit ang mga kasamahan niya sa industriya ay hindi sang-ayon sa mga ipino-post niya laban kay Mel Sarmiento.

Sabi naman ng kaibigan naming propesor, “Bilangin na lang sana ni Kris ang mga biyayang meron siya. Napaka-blessed niya sa lahat ng aspeto. Just pray more, worry less, ‘yun ang makagaganda sa kanya at hindi ang paglalabas ng kung anu-anong posts na konti lang ang nagkakagusto dahil sumosobra na siya,” sinserong sabi ni prop.

At ang komento naman ng anak-anakan na­ming si SOS, “Money is not everything. Happiness is.”

‘Yun din ang nakikitang dahilan ng mas nakararami. Malungkot si Kris Aquino kahit pa nasa kanya na ang lahat-lahat.

vuukle comment

KRIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with