^

PSN Showbiz

Francine, may bilin kay Kyle habang nasa bahay ni kuya!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Francine, may bilin kay Kyle habang nasa bahay ni kuya!
Francine at Kyle
STAR/ File

Mahigit tatlong taon nang magkatambal sina Francine Diaz at Kyle Echarri. Ayon sa dalaga ay mayroon silang pangarap ng aktor para sa kanilang tambalan.

Mayroong ding mga pagkakataon na nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Francine at Kyle. “Meron kaming goal para sa love team namin. May dream kami para sa aming dalawa. Meron din kaming para sa sarili namin. Binibigyan namin ng justice ‘yung mga opportunities na ibinibigay sa amin, kino-consider namin iyon as blessings. May mga pagkakataon na hindi kami nagkakasundo, pero at the end of the day, we make sure na okay kami. I think iyon ‘yung isa sa mga formula para mag-work ‘yung love team namin, para mag-work kami. ‘Yung trust and ‘yung honesty namin sa isa’t isa. Transparent lang kami,” pagtatapat ni Francine.

Isa si Kyle sa housemates ngayon para sa pinakabagong season ng Pinoy Big Brother kaya hindi nakakasama ang aktres. Mayroong mensahe si Francine para sa binata. “Kyle, take care of yourself. I know nasabi ko na sa ‘yo ito bago ka pumasok ng PBB. Alagaan mo ang sarili mo, ‘yung mga gamit mong laging nawawala at ang health mo, ang iyong mental health. We miss you,” pahayag ng aktres.

Sylvia, 1,000 % ang suporta kay Arjo!

Kung si Sylvia Sanchez lamang ang masusunod ay hindi raw gusto ng aktres na sumabak sa pulitika ang anak na si Arjo Atayde.

Kamakailan ay nagsumite na ang aktor ng certificate of candidacy para sa pagtakbo bilang Congressman sa unang distrito ng Quezon City sa susunod na taon. “Actually kung ako ang tatanungin, ayaw ko. Ayaw ko pero gaya nga ng sabi ko, anak ko ‘yan eh. Wala akong magawa kung hindi suportahan na lang ang anak ko. Iga-guide ko na lang nang mabuti ang anak ko para hindi naman maligaw. Kapag pinalad, pinagkatiwalaan ng mga tao, nakapuwesto, iga-guide naming mag-asawa para hindi naman masulsulan and hindi naman maligaw. Kabado, yes, pero suporta 1,000%,” pahayag ni Sylvia.

Ayon sa bete­ranang aktres ay talagang hilig na ni Arjo noon pa man ang maglingkod sa gobyerno at pamayanan. “Sa mga Kapamilya at kaibigan na natanggalan ng trabaho tapos pandemic pa. ‘Yon talaga ang isa sa rason din niya. Because of ABS kaya tatakbo si Arjo, isa ‘yan sa reasons,” paglalahad ng aktres.

(Reports from JCC)

vuukle comment

PBB

SYLVIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with