^

PSN Showbiz

Kim, ‘di tutulong sa kampanya ng tatay?!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kim, �di tutulong sa kampanya ng tatay?!
Kuya Kim
STAR/ File

Walang animosity ang paglipat ni Kuya Kim Atienza sa GMA 7.

Mismong ang bossing nila sa ABS-CBN News and Public Affairs ang nag-tweet ng “We move with change. Bravely. Humbly. We embrace it today. And tomorrow, we will celebrate it” sa attachment ng statement ng network na “Nagpaalam na ngayong araw (Oktubre 1) si Kim Atienza sa mga tagapanood ng TV Patrol pagkatapos ng maraming taon niyang paghahatid ng ulat panahon sa programa.

“Walang dudang tumatak na ang pangalan ni Kuya Kim sa mga mano­nood. Maituturing nang isang icon si Kuya Kim sa larangan ng telebisyon sa Pilipinas, gaya ng sinundan niya sa aming primetime newscast na si Ernie Baron.  Sa loob ng 17 taon, nagbahagi siya ng kaalaman at tuwa sa aming manonood, maging sa mga kabataang Pilipinong natuto sa kanilang pagsubaybay sa kanya sa Matanglawin.

“Nagpapasalamat kami sa dedikasyon at pagmamahal na ipinamalas niya sa kanyang trabaho, at higit sa lahat, sa kanyang serbisyo sa mga Pilipino. Mananatili kang Forever Kapamilya, Kuya Kim!” ang buong statement.

May ilang kumukuwestiyon sa paglipat ni Kuya Kim dahil sa mga sinabi nito noong hindi niya iiwan ang Kapamilya matapos na hindi ito pagkalooban ng franchise ng Congress sa pangunguna ng ilang pulitiko na nag-aambisyon ngayong magkaposisyon (kaya maging matalino sa pagboto).

Anyway, wala pang official statement ang GMA 7 sa paglipat ni Kuya Kim pero maugong na papalit siya kay Mang Tani bilang weather man ng network kung saan may ilang nag-aalala kung anong nangyari kay Mang Tani pero wala raw dapat ika-worry dahil nagbabakasyon lang pala ito sa Australia kaya hindi siya napapanood lately sa 24 Oras.

Mismong ang 24 Oras anchors na sina Mel Tiang­co, Vicky Morales, at Mike Enriquez ang nagbahagi ng update tungkol sa resident meteorologist ng GMA News. “Bago po tayo magtapos shout-out muna tayo sa ating ekspertong totoo, si Mang Tani, si Ginoong Nathaniel Cruz,” panimula ni Mel. “Si Mang Tani po ngayon ay nasa Melbourne, Australia kasama ang kanyang pamilya,” paglalahad ni Vicky.

“Alam naman namin na marami nang nakaka-miss kay Mang Tani, ang aming resident meteorologist,” say pa ni Mike.

Abangan na lang daw natin ang kanyang pagbabalik!

So hindi kaya permanente ang pagpalit sa kanya ni Kuya Kim?

Ibig sabihin din kaya nito ay hindi tutulong sa kampanya ng ama niyang si Cong. Lito Atienza si Kyua Kim bilang pila na nga raw ang programa niya sa GMA 7?

Actress, mas mayaman pa ngayon sa kanyang partner

Ang yaman pala talaga ng isang actress.

Parang mas ma­yaman pa raw ito ngayon sa kanyang partner ayon sa isang source.

Ang laki raw ng kinikita nito sa kanyang inumpisahang negosyo, as in super jackpot.

Kaya wala raw itong kaproblema-problema sa pera ngayong marami pa ring apektado dahil sa pan­demya.

vuukle comment

KIM ATIENZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with