^

PSN Showbiz

Janus, nilantad kung paano sila namanipula ni G kay B!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Janus, nilantad kung paano sila namanipula ni G kay B!
Janus.

Ang galing magsalita ni Janus del Prado, at kung paano niya naipaliwanag bakit ganun na lang ang pagtatanggol niya kay Bea Alonzo na naging malapit sa kanya.

Napanood ko ito sa interview sa kanya sa YouTube channel ni Ogie Diaz.  Wala silang binanggit na pangalan kundi initials lang ng mga pangalan, dahil iyon naman ang nasa IG post ng aktor.

Binanggit niya sa mga post niyang sina B, si G, si J at pati si P na involved dun sa rebelasyon niya.

Sa interview sa kanya ni Ogie, diretsahan niyang sinabing namanipula sila ni G para mapagtakpan lang ang ginawa nila ni P sa shooting ng pelikula nilang MPY. Kaya humihingi raw siya ng sorry sa kaibigan niyang si B dahil sinasabi pa raw niya noon na wala talagang nangyayari. Wala naman daw siyang nakikita, ‘yun pala meron naman talaga. “May utang na sorry ako kay B dahil ipinagtanggol namin si G. Ako mismo tinawag ko siyang praning. Praning ka. Nandun kami. Ang galing nga eh, alaga kami. Laging may pagkain, niyaya kaming mag-swimming sa sapa sa ilog pagkatapos ng shooting.

“Pero laging feeling ko na bakit, eh ilang beses na tayong nagkatrabaho, bakit ngayon kinu-close mo? Pati nga ‘yung damit ko yata sa premiere night pinagawa pa niya eh. Iyon ang ano ko kay B na sorry, ipinagtanggol namin si G nung time na ‘yun kasi wala talaga kaming alam.

“Kaya nung na-confirm namin through a reliable source na lehitimong source na tungkol kay G na nangyari sa set, eh sino ngayon ang nagmukhang masama? Kami na pinagtatanggol siya,” saad ni Janus sa interbyung ‘yun.

“Iyon ang ipinagtataka ko na sinasabi nila na nakisawsaw ako sa isyu na ‘yun eh kasama ako dun sa isyu. Hindi ito isyu ng iba na nag-comment lang ako. And alam ko sabi nila mababaw na wala naman daw sinabi si G na masama dun sa latest interview, pero kung aamin ka ng kasalanan, ‘yun lang ang aaminin mo. Huwag ka nang magsalita sa isang tao. Hindi mo right ‘yun eh, right niya ‘yun. Iyon ang point ko. Para saan na naman ‘to? May bagong project ba?” dagdag niyang paliwanag kaya siya nag-post ng ganun sa kanyang Instagram account.

Sinabi naman ni Janus na titigil na siya. Hindi na siya magsasalita. Pero kung meron na naman daw sasabihin si G na tingin niya mali, doon na naman daw siya magsasalita para maipagtanggol lang ang kaibigan niyang si B.

Alam naman daw niya napatawad na ‘yun ni B. Pero sana huwag sabihing mag-move on sa isyung ‘yun.

Maayos ang pagkalahad ni Janus ng paliwanag niya. Puwede nga siyang maging talk show host.

Mikael at Megan, ayaw munang mag-baby

Dahil sa pandemic, napagkasunduan muna ng mag-asawang Mikael Daez at Megan Young na huwag muna silang magka-baby.

Naisip na raw nila nung pagkatapos ng kasal nila nung 2020, pero dahil nga nagka-pandemic, naiba na raw ang plano nilang mag-asawa. “’Yung original plan talaga was enjoy muna tayo. Mag-vlog… kung saan man tayo mapunta, enjoy lang natin ‘yung time as a married couple. And then of course, the pandemic hit. Naisip namin, okay medyo mahirap yata ‘to. Nakakatakot ma-hospital at this time.

“So, we decided na okay 2021, huwag muna. ’Yung pagpaplano namin, year on year. So, 2022 wala pa kaming plano. I guess we’ll discuss that maybe ‘pag November, December na.

“So, 2021 we’re still this focusing I guess on work. Kasi malaking transition period for everyone. Naisip namin, huwag natin isabay-sabay kung kaya naman.

“We were able to plan things well naman. Maybe 2022, no promises yet. We’ll let you know,” pahayag ni Mikael sa nakaraang virtual mediacon pagkatapos niyang mag-renew ng kontrata sa GMA 7.

Thankful naman ang aktor na gusto pa rin siyang manatili sa Kapuso network. Kaya kahit, medyo dumarami na ang mga naglilipatan mula sa ibang istasyon, hindi naman daw siya nakaramdam ng kaba, dahil nag-effort naman daw siya sa trabaho niya sa GMA 7 sa loob ng 11 years na pananatili niya bilang Kapuso.

Hindi lang daw niya puwedeng sabihin kung ano ang mga susunod niyang gagawin, pero excited daw siya.

Napaisip lang siya nang tinanong ko kung sino pa ang gusto niyang maka-partner. Aniya; “I realized that…I worked with Lovi (Poe) once dun sa Titser, but I haven’t really work with her yet. So, that’s really interesting. Then, sabi ni Megan si Heart (Evangelista) hindi ko pa nakakatrabaho.

“Sa mga leading ladies na medyo ka-age ko, sila ‘yung mga naisip namin. Pero I also said kanina na ang daming mga bagong mga talent na younger na talented sila.

“So, sabi ko alam mo napaka-interesting din siguro if I get paired off with someone younger.

“How does that work…ano ‘yung lalabas na chemistry? Ano yung lalabas na dynamics. So, interesting din ‘yun.”

vuukle comment

JANUS DEL PRADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with