^

PSN Showbiz

Janus, binuko ang nakaraan nina Gerald at P na nadiskubre ni B!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Janus, binuko ang nakaraan nina Gerald at P na nadiskubre ni B!
Gerald at Pia
STAR/ File

Muling pumiyok ang character actor na si Janus del Prado pagkatapos magsalita ni Gerald Anderson sa interview sa kanya ni Kuya Boy Abunda na sana patawarin na raw siya ni Bea Alonzo. Si Janus ang isa sa vocal sa pagtatanggol kay Bea.

Ngayong nagsu-sorry si Gerald, si Janus ang naglabas ng reaksyon sa kanyang Instagram account. “May bagong show ata kaya nagso-sorry kay B. Sa amin nila Direk at OMC team di ka nagso-sorry at pinag-away away mo kami para lang pagtakpan ang kalokohan mo sa set? Bekenemen.”

Hanggang pa-initials lang si Janus, pero maaaring ang tinutukoy niyang direk ay si direk Cathy Garcia-Molina na direktor nila sa One More Chance, na sinasabi naman niyang OMC team.

Magkakasunod na ang post niya tungkol sa paghingi ng sorry, at ang kasunod ay inaatake na raw siya ng bashing na ayon sa kanya mga trolls daw ito na pinakawalan ng kampo ni Gerald.

Kahapon ay nag-post na naman siya na damay na si Julia Barretto. Nilinaw doon ni Janus na hindi naman daw niya pinapakialaman si Julia, dahil si Gerald lang daw ang dapat managot sa isyung ito.

Muling nag-post si Janus kahapon ng umaga na wagas pa ang pa-blind item; “Inaatake na ako ng mga paid trolls nila G&J pero kahit kelan naman wala ako sinabi masama kay J. Sabihin niyo kasi yang pa-victim niyong master na wag manipulahin yung mga tao sa paligid niya at pag away-awayin para lang mapagtakpan yung milagro na ginawa nila ni P sa set ng MPY. Pinagtanggol pa naman namin siya kay B. Muntikan na tuloy masira ang pamilya ng OMC. Pa FO na eh. Buti naisalba pa. Nyeta ka. #aynapost.”

Doon sa sinasabi niyang si P ay si Pia Wurtzbach kaya ito sa pelikula nilang MPY o My Perfect You?

Tom, kinabahan sa daddy ni Carla

Crossed-fingers si Tom Rodriguez na maaayos nila ang kasal nila ni Carla Abellana sa October 23 kahit hindi pa sila nagkikita.

Salisihan nga raw sila sa taping dahil pagkalabas ni Carla sa lock-in ta­ping ng To Have and To Hold, saka naman siya papasok sa lock-in taping ng The World Between Us.

May mga pagbabago pa raw dahil nga sa COVID-19. “Puro mga contingency plan. Siyempre may mga family ako sa States na unfortunately hindi makakapunta rito. Nagkaroon ng developments.
“Ngayon my sister, buti  recover na siya sa COVID niya. Pero hindi pa siya puwedeng magpa-vaccinate. Hindi na aabot kasi parang two months daw ang kailangan before nakapag-vaccinate siya. So, inaalala namin kung makakapunta pa ba siya rito, kung kailangan pa ng vaccination for her to be able to travel. May mga ganung factor. Steady lang ako dito pero ang kamay ko nakaganun o,” natatawa niyang pahayag na ipinapakitang nanginginig ang kamay.

Gustung-gusto na raw ng mommy niyang pumunta rito, pero natatakot naman siya dahil sa tumaas na bilang ng COVID cases. “Inaayos pa nga namin ngayon. Gustung-gusto na nilang pumunta dito lalo na my Mom. Ako ‘yung nag-aalangan with the Delta variant and everything going on… gusto ko ba i-risk ‘yung safety niya. I really have to make sure na pulido. Gusto ko man sila nandito, ako mismo ang nagdadalawang-isip. Hanggang ngayon pala pag-isipan pa nang mabuti up to the last minute,” sabi pa ni Tom.

Masaya ring ikinuwento ni Tom ang pamamanhikan niya sa daddy ni Carla na si Rey PJ Abellana.

“Kinabahan ako! Nakita ko si Papa, si Sir Rey parang pumitik ang tenga ko, tapos namula.  Sabi niya, ‘I’m happy for you. Si Tito Jojo (Abellana) ni Carla was there. Sabi ni Tito Jojo, I knew it. Sabi ko na nga ba eh. He’s very supportive, he’s very happy. We had a very nice light na usapan lang, ‘yung date ng wedding, life in general, kung anu-ano ‘yung naging topics namin that time. Buti boto siya,” napangiting pahayag ni Tom.

Samantala, naiinis na rin daw si Tom sa role niya rito sa The World Between Us bilang si Brian. Pero sa pagbabalik nito pagkatapos season break, tiyak na magustuhan daw ng  televiewers ang takbo ng kuwento lalo na ang ginawa sa kanya rito ni Louie na ginagampanan ni Alden Richards.

vuukle comment

JANUS DEL PRADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with