^

PSN Showbiz

Klarisse, pinaiyak si Mega

Pilipino Star Ngayon
Klarisse, pinaiyak si Mega
Klarisse

MANILA, Philippines — Muling nanaig ang husay sa pagkanta at panggagaya ni Klarisse de Guzman na tinanghal na weekly winner sa ika-siyam na linggo ng Your Face Sounds Familiar Season 3.

Puno ng emosyon ang episodes nung weekend, kung saan hindi matigil ang luha ng juror na si Sharon Cuneta habang pinanonood ang transformation ng Soul Diva bilang Megastar.

“Ang ganda-ganda kasi ng letra, ang galing ng pagkakasulat. That was written by Willy Cruz,” pagbibigay pugay ni Sharon sa talento sa likod ng kanta niyang Sana’y Wala Nang Wakas.

Tumanggap si Klarisse ng 26 puntos na siyang pinakamataas sa linggong ito. Pinuri rin siya ng Megastar na nagsabing isa siya sa pinakamagaling umawit sa industriya.

“Hindi ko alam kung mayroon kang hindi kayang gawin. Pagaling ka ng pagaling. Like I said before, fan na fan mo na ako kasi talagang dito nakita lalo ‘yung capabilities mo. Thank you for doing me as I would do myself. Maybe even better.”

Aminado naman si Klarisse na kinabahan siyang gayahin at mag-perform sa harap ng isa sa kanyang mga idolo.

“Sobrang fan po ako ni Ms. Sharon lahat ng movies niya napanood ko…Sa pagkanta parang first time ko po siya ma-impersonate. So ang hirap akala ko kasi madali relaxed kasi masarap pa­kinggan si Ms. Sharon but ‘pag kinanta mo siya iba, ang hirap nung technique.”

Ikatlong panalo na ito ngayong season ni Klarisse, na nag-uwi rin ng tropeo at P50,000 na weekly prize bilang Minnie Riperton at Jaya ilang linggo na ang nakararaan. Sunod niyang gagayahin ang rakistang si Ann Wilson ng bandang Heart.  

vuukle comment

KLARISSE DE GUZMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with